68 Replies

I've been in this situation nung first pregnancy q. That time, student pa lng nga din yung bf q (husband q na now). My advice is, pick 1 member or ur family or relative na pwede mong mka-usap heart to heart, preferably yung mas nakakatanda. Sabihin mo lahat sa kanya, and listen sa advice. Step 2, kausapin mo parents mo, sabihin mo yung totoo. it's the only way, walang short cut yan. It will lessen the load talaga. Tanggapin mo lahat ng pangaral at iiyak. By the end of the convo, make a promise to them na kaya mong tumayo at bumawi after mong manganak. That you will be responsible at gagawin mo lahat sa inyong ikabubuti. This will ease their anxiety and disappointment as well. Step 3, papuntahin mo yung bf mo sa bahay nyu the next day para e lay out sa parents mo yung plans nyu, it will give them assurance na hindi ito ktapusan ng mundo, kundi isang beautiful beginning. Next step, be responsible in every way. Ipakita mo na ready kang gampanan ang new role mo. Na kaya mo lahat. That time, po, kaka'strong lang nung papa q, and sobrang hirap ng pamilya. To the point ba 1 day 1 eat lang kami at pinaghahati'an pa yung isang noodles ng 6 na tao... You don't have any other choice but to be brave and courageous and stand up tall like a mature individual, willing to learn and humble. Kumuha aq ng board exam kahit buntis, hindi aq nahiyang ipakita na kaya kong lumaban at ipaglaban ang isang munting buhay sa tummy q. That was 10yrs ago po. Sa ngayon po, 10 yrs na rin aqng registered nurse at my master's degree pa. Yung hubby q, engineer na rin at thank God sa lahat2x ng himalang binigay sa amin. The key is prayer at huwag bumitiw. Yung 1st baby namin 9 na, yung 2nd 8 na. Then buntis aq sa 3rd. God is good po.

hi sis. ganyan ganyan din kami ni hubby before. pero tama sila walang ibang makakaintindi sayo kundi ang pamilya lalo na ang mga magulang. kagaya ko ayoko din sabihin sa family ko pero si hubby nun gumawa ng paraan hinarap nya una yung mga tito and tita ko humingi sya ng tulong kung paano sasabihi n sa parents ko ng hindi ko alam na may ganun pala syang plano. 18 din ako nun nag aaral pa. panganay ako. si hubby naman 21 nag aaral padin sya nun hindi din well off ang pamilya namin. tandang tanda ko pa nung sinabi namin sa parents ko sympre nalungkot sila nun pero ang unang sinabi ng mama ko nun kung nag papacheck-up ba ako at ang papa ko naman hinawakan ang tyan ko at sinabi kung kamusta ang apo nya. sa una kasi maguguluhan ka talaga sis dahil sa takot sa dami ng iniisip pero tandaan mo walang magulang na hindi naghanggan ng makakabuti para sa anak nila. si hubby hindi naka graduate kasi nag start na sya mag work simula nung nanganak ako. nag start sya mag extra extra sa tricycle nila para may pampacheck-up ako, naging installer ng cable sa mga goverment offices hanggang sa naging kusinero sa isang resto ngayon sis nagbabarko na si hubby 7 years nadin. hindi tayo papabayaan ng nasa Itaas. naka gradute ako sis registered nurse na hindi ko man napractice nasa isang maayos na company naman ako nag wwork. 11 years old na yung baby namin ni hubby and i'm 11 weeks pregnant nadin sa 2nd baby namin. law of attraction din sis. laging happy thoughts lang. puro positive isipin natin. will be praying na masabi ny'o na sa parents nyo and magkawork na si bf. be healthy. kayo ni baby. lahat ng nararamdaman mo nararamdaman din ni baby.

Wag ka matakot. Ipaglaban mo baby mo. Kailangan nya ng aruga galing sayo. 20 yrs old ako ngayon 4th yr college. Nagkaron ako ng pcos before ako nagka baby. Pinagpray ko na okay lng sakin magka baby sa murang edad basta lang wala akong sakit sa katawan ko, dininig ng diyos dasal ko. May 6 nagpa ultrasound ako for pcos sana pero dun nalaman na buntis ako 9 weeks and 5 days. Natakot ako pero nangibabaw ang kaligayahan ko. Masaya ang boyfriend ko for me kasi magkaka baby kaming dalawa. Kinabukasan sinabi ko sa mama ko kasi alam nyang nagpa ultrasound ako sa pcos. Sinabihan nya akong ipalaglag daw pero hindi ko sya pinakingan. Mama ko sya, nagkamali ako, pero ayokong sundan ng isa pang pagkakamali ang nagawa kong mali kaya pinaglaban ko ang baby ko. Iyak ng iyak si mama, nasasaktan ako oo kasi gusto nya ipa laglag pero ayoko talaga. Nagalit ako sa mama ko pero hindi ko sinabi sa kanya mga nararamdaman ko kasi naiintindihan ko sya. Iniyak ko lahat ng frustrations ko, lahat ng galit ko. Halos 2 weeks hindi kami okay ng mama ko. Pero eventually natangap nya pa rin ako. Tuloy parin ako sa pag aaral kasi isang taon nlng gagraduate nako sa kurso kong civil engineering. Kaya ikaw wag kang matakot. Ipaglaban mo ang baby mo. Harapin mo lahat ng consequences sa mga actions mo tas pray. Hindi ka pababayaan ng diyos. Basta advice ko lang, wag na wag mong kukunin yan kasi hindi lahat ng babae nabibigyan ng ganyang blessing. Maswerte ka at biniyayaan ka ng napakagandang regalo mula sa panginoon. Sana gabayan ka nya parati sa mga decision mo sa buhay. God bless 😇

I was a rape Victim sa abroad. It was harder to tell them that someone took advantage of me and made me his sex slave na wala akong nagawa. Mas mahirap yung walang "bf or partner or hubby" na sasama sayo. Mas mahirap yung ikaw na ung inaasahan tapos biglang nabuntis ng di ginusto.. Mas nasaktan mga magulang ko nung nalaman nila mga pinagdaanan ko for almost 8months. My life was threatened, physically and emotionally abused.. Pero para sa baby ko, I'm showing them na matatag ako, na babangon at babawi ako sa kanila pagkapanganak ko. Your dreams WON'T end up just because you got pregnant. You have to reassure them na TULOY ang pangarap at buhay,syempre gagawin mo dapat un talaga.. As for your BF, kung ayaw ng parents mo sa kanya, isn't it about time to triple his effort to find a job? So he can prove himself not only to your parents but most importantly to you and your baby. He should be more responsible and hardworking na. Yes mabibigla or/at magagalit parents mo since ginusto mo yan eh, pero ang pagmamahal ng magulang ay walang kapantay. They will understand you kung kakausapin mo sila ng maayos. At oo, sobrang ma disappoint sila, normal reaction yun ng magulang BUT YOU HAVE TO FACE IT para sa anak mo. Samahan mo muna ng prayers bago mo sila kausapin. 29 years old, 39weeks 7days and figthing!

Thanks momsh! Basta para kay LO. ❤️

same situation. 4months preggy ako nun hirap akong aminin sa parents ko about sa pagbubuntis ko kase panganay ako at ako lang ang inaasahan nila at ganun din sa bf ko siya lang ang inaasahan ng parents niya then ramdam kong parang ayaw pa sakin ng mama ng bf ko grave din yung hirap ng situation namin nun. at eto hanggang sa napansin na ng parents ko yung tiyan ko dahil lumalaki. kinausap nila ako akala ko magagalit sila, itatakwil ako lahat na ng negative naisip ko na that time pero nagkamali ako. alam kong andun padin yung sama ng loob nila lalo na papa ko dahil ginawa nun lahat makapagtapos lang ako ng pag aaral pero sinira ko tiwala niya. nagbukod nadin pati kami ng boyfriend ko. actually 8months preggy nako everytime na may check up ako mama ko ang laging sumasama sakin then papa ko hinahatiran ako lagi ng pagkain. sa kabila ng lahat hindi padin talaga nawawala sakanila ang pagiging magulang nila. kaya wag kang matakot na umamin sa parents mo para matulungan ka din nila kase kahit anong mangyare Anak ka padin nila at alam nilang mas kailangan mo sila 🙂 wag ka masyadong magpapakastress sis. nakakasama para kay baby.

TapFluencer

Hi sis. We're on the same page i think. 19 ako and 26 weeks preggy. Ganyan ako during early stage ng pregnancy ko. Super stressing talaga sa case natin hehe. Takot na takot din ako noon aminin sa parents ko, believe me ganyan ganyan din yung takot na nararamdaman ko noon kasi on vacay lang ang father ko since ofw nung nalaman kong buntis ako. Hindi ko rin nasabi sakanila kasi nasa ibang bansa na boyfriend ko to work. 4 years din gap namin. Mahirap aminin, yes. Pero mas mahirap itago yung pagbubuntis sis. Trust me, wala kang choice kundi aminin sa parents mo kasi sila rin lang ang makakatulong sayo. Magagalit sila, expected na yon kasi ang taas ng pangarap nila satin. We have to face our fears para sa baby natin sis. Kaya mo yan. One at a time lang sa pagsosolve ng problem para di ka maguluhan and always pray, sobrang nakatulong sakin yan 🤗💙 ngayon, nawala na yung galit ng father ko sakin. Hindi ka rin matitiis ng parents mo. Mas mangingibabaw ang pagmamahal nila. I swear, been there done that. Godbless you and your little one sis! You got this! Aja!

Been there too mommy. Naamin ko saakin niyan this December lang which I'm 2 mos that time. I'm 21 right now while my partner is 24 but ang difference is ako nalang ang student saamin while he is working naman. For the 2 mos na hindi ko sinabi sa family I feel horrible and a big disappointment that time but wala mommy I need to tell them because hindi ko kaya na everyday ko silang nakikita na may tinatago sakanila. I know mahirap sabihin but believe me once na nasabi mo na sobrang sarap sa feeling. They told me na it's a blessing which is true naman. They will accept you for sure parin naman. Like you i'm still a student, 5th yr to be exact taking a doctorate course but I told them I will make my baby na inspiration para makatapos niyan after. Chin up mommy! Kayang kaya yan believe me. :) I'm here if you need someone to talk to. Message me anytime if want mo pa malaman lahat bago ko masabi. I'll pray for you 🤗♥️

Hello po im a 19 years old pregnant mom ngayon, only child ako ng parents ko and ako lang din ang inaasahan nila. Alam mo mommy, be thankful and be happy nalang po kasi binigyan ka ng chance na magkababy. Hindi po lahat binibigyan ng chance magkababy, maybe nabuntis ka for a reason its either para magpursigi hubby mo na mag work na and magpatuloy ka lalo sa life mo mas magiging okay kasi may dahilan ka na para mabuhay may inspirasyon ka para magpatuloy. I know wala pa akong masyadong experience but base po sa pinagdaanan ko natutunan ko rin maging matured and accept things na in the first place ako rin naman po may kasalanan. Oo nakakatakot po sabihin sa parents i've been there too.. pero para sa ikakabuti mo at ni baby sabihin mo na wala narin naman silang magagawa kaysa ipalaglag mo si baby mas lalong malaking kasalanan po yun. Binigay sayo yan for a reason, pray ka lang palagi. 😊

Hi mommy! Kaya mo yan. I think it's best na sabihin mo na sa parents mo yung about sa pagbubuntis mo. Sa ganitong panahon, mas kailangan mo sila. Magagalit siguro at first kasi they have high hopes for you but then at the end of the day, they are your family. Kahit anong mangyari, sila lang ang hindi mang iiwan sayo. Si bf din siguro kailangan na mag work to support you and your baby. Kailangan mo kasi magpacheckup regularly para kay baby. Try not to think to much, i know at this moment medyo di mo maiwasang umiyak pero isipin mo din si baby. Nararamdaman nya pag stressed or sad ka, wawa naman sya diba. Take care of yourself din, kain ka ng healthy foods and take the prescribed prenatal vits by your ob. Basta as much as possible try to be happy. Para kay baby. Try mo din mag simba or kahit pray lang and talk to God. Trust me, it really helps. ❤

VIP Member

ganyan po aq s panganay q. . ng aaral din aq nun sa college. . ang taas din ng expectation nila sakin.nabuntis at naitago q xa ng almost 7 months habang ng aaral aq.ang masama pa is wala ang bf q sa tabi q pra suportahan. sobrang hirap po tlga. buti na lng nung napansin nila na prang buntis aq eh pauwi na si bf samin nun galing manila. so ayun nlaman na ng parents q. sa umpisa xmpre disaapointed sila lhat. at papa q ayaw aq pauwiin sa bahay. npakhirap pra skin na harapin sila. pero at the end tinanggap pa din nila aq at sinuportahan. at naging okay nmn ang lahat. sana mSabi mo na din sa family mo ang sitwasyon mo kasi ang hirap ng gnyang sitwasyon. malalamn at malalamn din nila yn khit anung tago mo. siguradong d magiging madali ang lahat but im sure mtatanggap ka pa dn nila.😊. wish you the best.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles