depressed at 7 months pregnant

can somebody,Kahit sino manlang makapansin neto, 7months nako nagbubuntis. Sobra po nagagawa ko sa sarili ko pag depressed ako. nakakalmot ko balat ko, hinihila ko buhok ko at madami pong nagtatanggalan sa sobrang paghihila ko. Nagagawa ko po yon nang hindi ko nararamdaman ung sakit kasi sobrang nasasaktan ako mentally. D matigiltigil na iyak, namamaga na mata't ilong, balisa, tulala, ta iyak nanaman.. ni walang masabihan nang problema.. ang sakit isipin na kung sino pa mahal ko siya d makaintindi sakin.. kaya imbis na intindihin ako pagagalitan pa kahit mababaw ang dahilan d nya alam gaano kasakit sakin๐Ÿ˜ฅ help me. Mas ninanais ko pang mamatay nalang sa sobrang depressed. Umiiyak nanaman ako ngayon at andaming galos sa katawan ko. di ko na alam ano pa magagawa ko sa sarili ko kahit anong paliwanag ko sa kanya.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mamsh mas maganda kausapin yung tao ngging dahilan kung bakit k depressed sabhin mo lht sa knya....tpos pray k lng lage ky god.mkkyanan mo din lht....isipin mo yung baby mo maapektuhan din xa.

5y ago

mga dahilan, una sa ugali naang nanay nang kaLIP ko mabait pag may pera aging galit pag wala, laging sita dito sita doon. nakakawalang gana magstay sa bahay nila pag andun sya. kaya d ko natatawag na "ma" e. pangalawa tong kaLIP ko, oo mabait sya mapagmahal at maalaga pero parang binabawi sa inum naman. ansakit din sa pakiramdam pagtinataasan ako nang boses e pwede namang sabihin nang mahinahon, ang galing nyang manguntra nang sinasabi ko to the point na maiiyak nako kakaexplain. magtatanong sya ano problema ko kung sasabihin ko naman kinukuntra nya kasi angbabaw lang para sa kanya un. kung galit nakong nagpapaliwanag, nagagalit din sya kesyo " yon lang naman" " yon lang kaya ka nagkakaganyan?" ansakit sa tenga marinig na nd nya ako maintindihan na imbis na tanggapin nyang mali nya rarasonan nya. na nd naman ako iiyak kung nd ako nasaktan. ngayong tatanungin nya problema rarasonan nya pa hanggang sa nasasaktan kuna sarili ko dun na sya magsosorry sa mali nya.