depressed at 7 months pregnant

can somebody,Kahit sino manlang makapansin neto, 7months nako nagbubuntis. Sobra po nagagawa ko sa sarili ko pag depressed ako. nakakalmot ko balat ko, hinihila ko buhok ko at madami pong nagtatanggalan sa sobrang paghihila ko. Nagagawa ko po yon nang hindi ko nararamdaman ung sakit kasi sobrang nasasaktan ako mentally. D matigiltigil na iyak, namamaga na mata't ilong, balisa, tulala, ta iyak nanaman.. ni walang masabihan nang problema.. ang sakit isipin na kung sino pa mahal ko siya d makaintindi sakin.. kaya imbis na intindihin ako pagagalitan pa kahit mababaw ang dahilan d nya alam gaano kasakit sakin😥 help me. Mas ninanais ko pang mamatay nalang sa sobrang depressed. Umiiyak nanaman ako ngayon at andaming galos sa katawan ko. di ko na alam ano pa magagawa ko sa sarili ko kahit anong paliwanag ko sa kanya.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sis, pray pray pray.. para mas kumalma ang sarili mo.. nakikinig si God sau, sabihin mo sa Kanya lahat ng ihaing mo.. wag ka po madepress.. kaya mo yan sis..

4y ago

opo sis. nagppray po ako. at kung makikita mo ako personaly mukhang masiyahin ako. pero andali ko madepress andali ko umiyak at masaktan

VIP Member

mommy wag ka padadala jan. .isipin mo nlng kau ni baby. .kawawa si baby maapektohan. .isip ka ng mga exciting na magiging experience nyo ni baby. .

Kawawa si bby po nyan😔 , Juskoo nang dahil sa stress maraming sakit makukuha si bby nya so pls po , magpakatatag ka tas pray kapo ky lord🙏

4y ago

oo nga po, sana nga, hiling ko mamatay na ako pagkapanganak ko. baka madamay pa sya sa pananakit ko sa sarili ko balang araw which is nd ko kayang sikmurain kasi pano kung sobrang depress ko nd ko na naiisip ginagawa ko? takot ako.

Mgdasal lagi Maam, and always think your baby first dahil my epekto din sa knya ang pgiging depress mo..

4y ago

sorry pero, iniisip ko din po kalagayan nang baby ko. pero lam mo yon, pag sinasakop ka nang sakit at lungkot? napapasabi na ako na sana mamatay nalang ako. sorry for the word pero nawawala na ako sa sarili ko to the point na tumalon ako sa sasakyan habang umaandar. nasubsub ako pero d ko ramdam ano masakit sakin hanggang ngayon. wala pa ako sa matinong pagiisip sa ngayon sis pero ramdam ko kanina paggalaw ni baby ko sunod sunod.

hi po. ano po bang problem mamsh? handa po kami makinig sayo. labanan mo po Ang depression. pray ka lang mamsh. 🙏🙏

Pray ka lang po momsh, or mag open up ka ng problem sa mother or family mo, sila lang po makakaintindi sayo.

4y ago

nagopen ako sa friend ko sa chat lang and yes naiintindihan ako kesa sa kaLIP ko. pero sa family? nd na ata. iniisip ko baka pagisipang naiistress ako dito. which is totoo stress nako dito talaga at uwing uwi na ako sa amin kaso anghirap bumyahe.

cheer up mommy think ositive and pray wag mag isip ng kung ano ano nalang always be happy

ano po bang problema mommy? may nangyari po ba na nakatrigger ng depression mo?

4y ago

yes. long story po. and naghahalo halo na ata iniisip at truma sa isip ko. mapapatunayan ko talaga na nd lahat nang masayahing tao nd makakaisip na magpakamatay or kayang saktan sariling katawan. sad but true. nararanasan ko na.

TapFluencer

mommy isipin mo bb mo.. pray ka din mommy.. anjan c god for u..

pumuntanka muna sa magulanh mo momsh..baka namimisa mo lang family mo.

4y ago

ito din isang dahilan bat nadedepress ako. nd ako makauwi dahil lockdown.. ayuko environment dito lagi nagaaway parents niya. tas kalive in partner ko nalang inaasahan kong maiintindihan ako pero isa din sya sa nagpapaiyak sakin. gulong gulo na ako ngayon gusto ko maglayas kaso mahirap. mag 3 pm na nd pa ako kumakain pero d ko ramdam gutom ko.