Napalo at nasampal ang anak..

Sobrang sakit na sa dibdib, hindi ko maintindihan ang aking anak ayaw sa lahat tuwing kakain iiyak tuwing maliligo iiyak tuwing hihilamusan, bibihisan panay ang tantrums at pagsigaw. Maganda na sana ang gabi nmin pero nasira dahil sa tantrums, di napigilan mapagbuhatan ng kamay and bata. Sinisisi ako ng ama nya ngayon dhil hindi ko matutukan mga anak nmin dhil sa nagwowork din ako. Pagod na pagod na ang utak ko ang isip ko kung papano iapproach ang bata sinusubukan nman nmin magasawa na makarelate sa bata pero bkit ganun lahat nalang iniiyakan at inaayawan nya. Parang laking pagsisisi ko na naging magulang ako. Gusto ko nlang mawala dito sa mundo sa sobrang sakit sa dibdib parang hopeless case na din kami.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

This is the reason why I am advising mommies here na as much as possible malaki ang age gap ng mga anak, kapag may nagtatanong about age gap kasi nga gusto nang sundan si baby. Hindi kita binabash mii ha. 3 years old is still a baby. I am sure na isa sa reasons is yung attention. I know mahirap talaga yan kasi preggy ka at may isa pang baby. Nagcomment ako sa post mo kasi nakakarelate ako kahit papano. Yung bunso namin is now 15 months. Since newborn siya talagang topakin siya. Totoo, nakakadrain😔. Nasasabi ko rin sa asawa ko na hindi kaya may adhd anak namin? But still, nananalig kaming wala at normal lang ang ugali niya. Nasisigawan namin minsan, pero most of the times hingang malalim na lang talaga nagagawa namin, after nun okay na ulit😅. Or ginagawa ng asawa ko at older siblings niya ilalabas siya para malibang. Ang clingy niya kasi as in. Normally, kung sino ang may ginagawa andun siya. At marunong siyang mamili kung kanino niya gustong makipaglaro, kanino niya gustong matulog at magpakain. Mii habaan mo pa ang pasensya mo. Kapag nagtantrums siya at parang sasabog ka na, talikod ka saglit at huminga ng malalim. Or ibigay mo muna saglit sa kanila pahinga ka 5mins tapos kunin mo ulit. Pag may time ka lalo sa gabi, ikaw ang magpatulog kantahan mo ganun. Sa tingin ko ramdam din kasi ni toddler na may upcoming baby ulit. Kapag wala kang work, try to familiarize mga gusto at ayaw niya. Tiis at more pasensya mii. Pray ka palagi. Malalampasan nio rin yan♥️

Magbasa pa