Napalo at nasampal ang anak..
Sobrang sakit na sa dibdib, hindi ko maintindihan ang aking anak ayaw sa lahat tuwing kakain iiyak tuwing maliligo iiyak tuwing hihilamusan, bibihisan panay ang tantrums at pagsigaw. Maganda na sana ang gabi nmin pero nasira dahil sa tantrums, di napigilan mapagbuhatan ng kamay and bata. Sinisisi ako ng ama nya ngayon dhil hindi ko matutukan mga anak nmin dhil sa nagwowork din ako. Pagod na pagod na ang utak ko ang isip ko kung papano iapproach ang bata sinusubukan nman nmin magasawa na makarelate sa bata pero bkit ganun lahat nalang iniiyakan at inaayawan nya. Parang laking pagsisisi ko na naging magulang ako. Gusto ko nlang mawala dito sa mundo sa sobrang sakit sa dibdib parang hopeless case na din kami.