Napalo at nasampal ang anak..

Sobrang sakit na sa dibdib, hindi ko maintindihan ang aking anak ayaw sa lahat tuwing kakain iiyak tuwing maliligo iiyak tuwing hihilamusan, bibihisan panay ang tantrums at pagsigaw. Maganda na sana ang gabi nmin pero nasira dahil sa tantrums, di napigilan mapagbuhatan ng kamay and bata. Sinisisi ako ng ama nya ngayon dhil hindi ko matutukan mga anak nmin dhil sa nagwowork din ako. Pagod na pagod na ang utak ko ang isip ko kung papano iapproach ang bata sinusubukan nman nmin magasawa na makarelate sa bata pero bkit ganun lahat nalang iniiyakan at inaayawan nya. Parang laking pagsisisi ko na naging magulang ako. Gusto ko nlang mawala dito sa mundo sa sobrang sakit sa dibdib parang hopeless case na din kami.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po maghapon po syang ganyan minsan okay tpos bigla magttantrums ng walang dahilan, or minsan pag yayayain na kumain or maligo, 3 yrs old na po toddler. may 1 year old pa po ako and currently preggy po. sinisisi ako ng asawa ko ngayon kung bakit ganito nangyayari sa anak nmin kasi ayaw ko po tumigil magtrabaho sa hirap ng buhay ngayon kaya madalas maiwan mga bata sa tatay ko at sa nanay ng nanay ko na puro bawal at kontra at pangingielam sa kung papano ko palakihin mga bata, gustong gusto ko na po bumukod umalis ngunit nagiisang anak lang po ako ng aking mga magulang, alam ko naman may mga pagkukulang ako sinusubukan ko nman punan khit pagod na pagod na ako. kaya parang gusto ko nalang po sumuko tuwing ganito nangyayari samin

Magbasa pa