11 Replies

This is the reason why I am advising mommies here na as much as possible malaki ang age gap ng mga anak, kapag may nagtatanong about age gap kasi nga gusto nang sundan si baby. Hindi kita binabash mii ha. 3 years old is still a baby. I am sure na isa sa reasons is yung attention. I know mahirap talaga yan kasi preggy ka at may isa pang baby. Nagcomment ako sa post mo kasi nakakarelate ako kahit papano. Yung bunso namin is now 15 months. Since newborn siya talagang topakin siya. Totoo, nakakadrain😔. Nasasabi ko rin sa asawa ko na hindi kaya may adhd anak namin? But still, nananalig kaming wala at normal lang ang ugali niya. Nasisigawan namin minsan, pero most of the times hingang malalim na lang talaga nagagawa namin, after nun okay na ulit😅. Or ginagawa ng asawa ko at older siblings niya ilalabas siya para malibang. Ang clingy niya kasi as in. Normally, kung sino ang may ginagawa andun siya. At marunong siyang mamili kung kanino niya gustong makipaglaro, kanino niya gustong matulog at magpakain. Mii habaan mo pa ang pasensya mo. Kapag nagtantrums siya at parang sasabog ka na, talikod ka saglit at huminga ng malalim. Or ibigay mo muna saglit sa kanila pahinga ka 5mins tapos kunin mo ulit. Pag may time ka lalo sa gabi, ikaw ang magpatulog kantahan mo ganun. Sa tingin ko ramdam din kasi ni toddler na may upcoming baby ulit. Kapag wala kang work, try to familiarize mga gusto at ayaw niya. Tiis at more pasensya mii. Pray ka palagi. Malalampasan nio rin yan♥️

VIP Member

Hello. There came a time na ganyan anak ko, nung nag 1 yr old siya, sumisigaw sa lahat ng bagay, umiiyak sa lahat ng bagay. STAHM ako, at hands on. Kaya sobrang hirap din biglang may change sa attitude. Darating talaga sila sa stage na lahat ng bagay pagta-tantruman. Pero may nabasa ako, kaya daw ganon ang bata sa caregiver nila, kasi comfortable sila maglabas ng emotions nila sa caregiver nila. Baka sakaka-bawal sakaniya ni lola hindi niya rin nae-express emotions niya at pag magkasama na kayo sayo niya vine-vent out lahat. Sobrang hirap magcontrol ng sarili especially kung ganito yung upbringing sarin, but we need to break this cycle of abuse. Kaya if I feel overwhelmed, I remove myself in the situation, husband ko muna ang sub, kapag naregulate ko na emotions ko, saka ako babalik. Nabawasan yung trantrums ng anak ko at ngayon madalang na lang siya mag tantrums. Ang ginawa ko ay, hindi ko pinepersonal yung emotions niya, nirespect ko yung emotiong niya at hinahayaan ko siya mag tantrums. I provide comfort sakaniya through physical touch (hina-hug ko siya while nagka-cry siya), calming words and playfulness. I always make sure na wala siya dapat katakutan or iiyak. At kung meron man I always make sure na safe ang feelings niya sakin, whatever it may be, mababaw man or malalim. Kaya mo yan momsh! Follow ka sa YT IG mga parenting tips, gentle parenting, dos and donts para matuto din tayo how to handle situations or tantrums

thanks sa advise mii. super struggling kasi ako naghalo halo na siguro pagod at frustration ko pag hindi ako hinahanap ng bata.. ang sakit lang..

Ang mga bata po kasi ay alam kung anong nararamdaman or emotion ng mga magulang nila habang kaharap sila. Baka naman po na irritable po kayong mag asawa kpg nakakaharap nyo na sya kaya nagkakagnyan ang anak ninyo. If madalas din kayong magtalo ng asawa mo at nakikita at naririnig nya yun nagiging cause din po yan ng pagtatantrums at pagiging irritable ng bata. Even Psychologist po papayuhan po kayong wag mag away na nakikita or naririnig ng anak nyo. Try nyo pong magsmile sknya at ikiss sya kpg umuuwi kayo galing sa work. wag nyo din pong iparamdam na pagod kayo or bad mood kayo kasi feeling ng anak nyo unwanted sya. Ang bilis din po kasi nyang nasundan agad kaya attention seeker sya. Pakisabihan po asawa nyo na dpt imbes na manisi eh dpt tumulong sya sa pag papatahan sa anak ninyo. Gawa po kayo ng routine everyday. Pag uwi nyong work try nyong pasalubungan sya. Tapos bago matulog i-baby nyo din sya. Kantahan nyo sya habang yakap or kausapin nyo sya. Kahit 3yrs old plng sya mapifeel nya ung ibig nyong sabihin sknya. Hope makatulong itong comment ko. 😊😊

mii thank you mi, eye opener itong advise mo. baka nga di kmi aware sa mga kinikilos at pinapakita nmin..

Mommy isipin mo na maswerte ka kasi iyak ni baby ang problema mo . Yakapin mo lang siya . tingin ko hinahanap niya at naglalambing siya sayo kasi tulad nga ng Sabi mo pagod ka din sa trabaho.. affected din si baby dyan for sure . kasi iba ang alaga ng nanay hinahanap ka niya kaya lahat iniiyakan niya.. napakaswerte mo mommy kasi wala problema Ang baby mo.. ang anak Kong panganay with ASD iniintindi ko lahat ng iniiyakan niya niyayakap siya hindi pinagbubuhatan ng kamay kung napapalo man never ko sinampal... sa pwet lang at mahina ang Palo para lang alam niya may Mali siya . umiiyak na nga e means may masamasa kalooban niya tapos sasampalin pa? may epekto Yun lalo sa emosyon nila .. kaya mo yan mommy Pag humupa ang iyak ng anak mo kausapin mo siya nag hahanap yan ng atensyon mo..

hello po maghapon po syang ganyan minsan okay tpos bigla magttantrums ng walang dahilan, or minsan pag yayayain na kumain or maligo, 3 yrs old na po toddler. may 1 year old pa po ako and currently preggy po. sinisisi ako ng asawa ko ngayon kung bakit ganito nangyayari sa anak nmin kasi ayaw ko po tumigil magtrabaho sa hirap ng buhay ngayon kaya madalas maiwan mga bata sa tatay ko at sa nanay ng nanay ko na puro bawal at kontra at pangingielam sa kung papano ko palakihin mga bata, gustong gusto ko na po bumukod umalis ngunit nagiisang anak lang po ako ng aking mga magulang, alam ko naman may mga pagkukulang ako sinusubukan ko nman punan khit pagod na pagod na ako. kaya parang gusto ko nalang po sumuko tuwing ganito nangyayari samin

ganan na ganan ang anak ko b4 nung may work pa ako. kaka4yrs old nya lang din. kasi mi naghahanap nga yan ng attention mo. yung anak ko dati kahit lambingin ko sigaw pa din sa iyak. mula umaga hang gabi. talagang nakakastress kasi sya din nag nasusunod. pero ngayon na resign na ako sa work ko, nakikinig na sa akin. dina na din iyakin tulad dati. umiiyak ngayon pero isang tingin ko lang tumitigil na. kasi ng mindset nya mi, palagi ka namang wala.

ito lang tlaga ang solusyon mi? ang mag stay at home 😔 tuwing nararamdaman ko na na magttantrums nnman ang anak ko parang nanlalambot na ako at gusto ko din umiyak ..

sis sa gabi lang ba sya ganyan or pati sa umga? kasi if sa gabi lang baka sa pagod yan sis sa maghapon. Baka naman sis naghahanap ng attention si baby mo? ilang taon na ba sya? ilan ba anak nyo? Dpt sis Team work kyo ng hubbt pano mag alaga sa anak nyo. 30months old ko usually sa gabi lang nagtutupak kapag hnd nakapag nap sis or pagod kakalaro.

mommy pa check up mopo si baby baka Po may ADHD sya para sure lang mommy Sana Po Wala.😔

VIP Member

di po kaya my problem si baby bakit di niyo po ipa check up, ask na rin po kayo ng advise how to deal with tantrums. try niyo po bigyan siya ng prize kung makaka ligo siya something to look forward ganyan po kasi gawa ko.

mas ok na pong malaman niyo kung meron talaga para maalagaan niyo po siya ng maayos at mas maintindihan niyo siya, kaya lang yan mii nanay tayo lahat kakayanin natin tayo nalang din inaaasahan ng mga anak natin kaya stay strong lang.

ilang taon na po ba yang anak niyo? kung months old palang yan, ang pag iyak ng bata ay sign ng sakit o may nararamdaman sa loob ng katawan. pacheck up niyo agad sa pedia, para masuri maige ang anak niyo.

baka nman my autism ung bata at ganyan na panay ang iyak at sumpungin. ipa check up mo sis. early signs ng autism yang panda iyak at tantrums e.

may possibility po.. ipapatingin po nmin sya di ko lang makausap ngayon ang asawa ko dhil pinagawayan nmin ung nangyari kagabi

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles