breastfeeding HELP
Sobrang naiiyak ako. Gustong gusto ko mag ebf at un din ang advice ng pedia at OB ko dahil weak ang immune system ko, it will be healthier for my baby if breastmilk ang inumin nya. Mag 2 months na si baby, super hina ng supply ko kaya mapilitan kami mag formula, 1st week pa lang ni baby. Wala din kasi nagencourage sakin, ang mama ko nagagalit na kasi naaawa kay baby sa pag iyak. Everyday nilalatch ko pa din si baby para mastimulate at magproduce ng milk body ko. Kahit ano gawin ko 1 oz lang talaga ang nakukuha ko. At ngayon ayan na lang sya, naiiyak talaga ako. Mga ebd moms, i need your help po sana pano po ba gagawin ko para lumakas ang milk ko? Salamat po
tyaga tyaga lang yan..ako po combo mix feeding ung first 2 daughters ko kasi insuffecient din milk ko..but now i'm happy to say na exclusive breastfreeding ako sa aking 3 1/2 month baby girl..iyak din sya ng iyak everyday kasi nagugutom sya..ayaw nman nyang dumede sa bottle/formula milk..so what i did is ng research ako para dumami milk ko ng malunggay capsule 500mg ako 3x a day then nag oatmil din and i drinK M2 malunggay 2x a day...di naman biglang dumami ang milk ko dahan dahan lang po until napinsin ko this week na dumami na milk ko di na iyak ng iyak si baby. marami na akong let down im planning to buy a breastpump kasi di nauubos ni baby ung milk ko kaya palaging nababasa ung damit ko...don't give up lang... akala ko dati impossible pero pwede naman pala...Good luck sa'yo.
Magbasa paMommy try mopo kaya yunh rubber na pang pump? Sabi kasi ng ob and pedia ng baby ko mas better yun kesa jan since nanghingi ako ng advice about breastpump. Araw araw parin ikaw magpalatch kay baby ganyan din lagi sinasabi ng mil ko nung una di sila naniniwala na may gatas ako at yung hubby ko as in para nakong sumuko kaso ako pa nagagalit sakanila sabi ko imbes na i encourage moko na dapat may gatas ako para yng baby mas healthy hindi yung sasabihan mokonh umiiyak kase walang nakukuha. Maging healthy ka moms sabaw sabaw water gulay malunggay specially huwag papalipas ng gutom. Ayaw ka nilang i encourage well eencourage mo yung self mo para kay baby ๐๐๐
Magbasa pawag nyo po itigil ang pagdede ni baby, eat po kayo ng maraming sinabawang gulay... dati ginawa ko puro gulay lang at prutas walang kanin... sobrang payat ko at wala po ako boobs, pero yun lang ginawa ko puro gulay esp. malunggay nakakadami po talaga ng gatas... lahat ng gugulayin mo lagyan nh malunggay... then lagi mo i-massage ang boobs mo hanggang ilalim ng kili kili... pati likod. massage po ha.... lagyan mo lang ng baby oil...kung may pwede gumawa sayo ng massage mas maige., para relax ka lang... dadami yan sure ako
Magbasa paHello. Try mo po electric pump. Ako din nun sobra konti ng supply ko at umiiyak dn ako habang nagppump. Ngaun Pnpalatch ko nlng ng pnpalatch and i think nabubusog naman na si baby. Oatmeal bfast everyday. Malunggay capsule and m2 malunggay tea. Plus more more water and Direct latch. Yan tlga nagpa improve ng milk supply ko. Hndi man sobra dami pero i think enough na nabubusog naman si baby. Mixed feeding dn ako. Salitan twing gutom nya, formula. Next gutom breastfeed. Then next gutom formula ulit.. ganun gngwa ko
Magbasa paYou have to establish your milk momsh. Padamihin mo thru unlilatch. The more you give formula milk, the less breastmilk napoproduce mo. Wag po tyo mgbbase sa output ng pump ntin. Your breastmilk is enough for your baby. Stop mo muna formula milk then offer your breast kay lo. Join breastfeeding pinays for you to learn more about proper breastfeeding. 1. Unlilatch(unlidede) 2. Keep hydrated 3. Eat fruits and veggies 4. Eat soup 5. Unlidede
Magbasa paDont stop! Take ka ng m2 malunggay drink and inom ka ng malunggay capsules or boil malunggay. Gawin mong malunggay is life para dumami milk mo. Mas healthy and tipid pa pag bf ka. Sayang naman. Inom ka madaming tubig kasi kailangan mo yun para maka produce ka ng madaming gatas. Tubig and malunggay ang gawin mo. Bigyan mo sarili mo ng time frame. Within a week mag malunggay and water ka non stop then if walang change dun ka na magformula.
Magbasa paTry mo momsh malunggay capsule. Ieveryday mo siya. Or kung gusto mo naman pakulo ka nlng ng malunggay leaves. Gawin mong juice, yung napakuluan na leaves idagdag mo katas ng lemon then add konting sugar. Mabilis effect kasi natural dn siya. Yun kasi ginagawa ng asawa ko nun kaya malakas gatas ko. Or kung hassle, try mo magsabaw ng magsabaw lagi. Pray lang momsh ๐๐ป ang patience and positive lang lagi ๐๐ป
Magbasa paDi ko alam kung makakatulong to pero lagi ako nainom ng maraming pineapple juice, milo sa na tinimpla sa di mainit na water. Pag madami kang naiinom, madami daw ang magiging gatas mo. Or blessed lang ako ng malaking boobs na may gatas. Kasi mga kapatid ko 2 or 3 months lang sila nakapagpadede.. Ang binibili ko talaga yung pinakamalaking lata ng pineapple juice.
Magbasa papunta ka center nag pprovide sila ng massage treatment don para mag lactate ang mommy, may mga advice din sila na binibigay and further information sa kung gaano lang kadami ang dapat na madede ni baby na milk sayo, hanggat maiiwasan daw wag daw mag formula kasi mas healthy ang breastfeed, better na punta kana sa center bukas agahan mo na lang
Magbasa paGanyan din saakin sis ang ginawa ko araw araw po akong kumain ng malungay na may luya at tulya nilaga po yan lagyan mo nalang pong pampalasa kung gusto mo po mainit init papo higupin mo tapos wag kapo masyado magpapagod nag bed rest kalang po muna tapos kumain kalang po ng kumain at uminom din ng madaming tubig magkakagatas kana po nyab
Magbasa pa