Stress
Sobrang nadedepress ako iyak ako ng iyak oras oras. Di ko alam gagawin ko. I have a lot of plans sa buhay. And then ngayon buntis ako. 7 weeks. Im 20 years old. Lahat ng pinagaral ng magulang ko tapos ang taas ng expectations nila tapos kilala ang pamilya namin sa lugar namin. And hindi sila nagkulang na pagsabihan ako kaya pumayag sila na mag bf ako kasi may tiwala sila. Tapos ito. Buntis ako. I dont know what to do ??? though okay sa bf ko tanggap nya kahit ani mabgyari pero sarili ko kalaban ko eh ? advice naman po.
Hi! I was supposed to take my doctorate degree this year kaso naantala kasi I'm pregnant. I'm just 23 years old and like you, I have so many plans with my life. Since I've been a scholar for a long time, super taas ng expectations sakin di lang ng family ko, kundi mga taong nakakakilala sakin. Pero here I am, pregnant. Hehehe. Now here's the thing that I learned - your life is not a mess nor ruined just because you got pregnant at young age. Nauna lang talaga dumating si baby sa buhay natin. I'm not saying this to justify what we've done, pero andyan na yan eh. Kung iiyak lang tayo ng iiyak, diba wala rin naman mangyayari. Mapapahamak pa si baby so the best thing to do (for me) is to motivate yourself, na kahit nabuntis ka ng wala sa plano, you can still achieve your dreams. Mas okay nga actually kasi in the next years of your life, you have a baby that will support you no matter what. Yun kasi yung medyo mahirap pag plinano natin yung life natin, na when there is an unexpected thing that happens that can hinder our plans, we tend to lose our balance. Nalulungkot tayo ng todo pero promise, things will be fine in the end. Hayaan mo na yung mga negative na maririnig mo and use it as a fuel to strive harder for your future. God bless you!
Magbasa padont be too stressed baka makasama kay baby. We all have plans sa buhay pero the best parin yung plans ni God for us. 21yo ako nung nabuntis ako and 1yr nalang sana ggraduate na ko from college. panganay pa ko at may apat na maliliit na kapatid so ineexpect ng parents ko ako unang tutulong sakanila para mapagtapos mga kapatid ko pero eto nga 5mos preggy na ko. At first sobrang nalugmo ako to the point na feeling ko wala na ko mararating pero inisip ko nalang di naman ibibigay to ni Lord kung di ko kaya. Maswerte nalang tayo kasi blessed tayo to have a good partner. Tell your parents about that and sobrang luluwag ang pakiramdam mo. besides, borrowed angel lang natin ang baby natin from God who are we para tumanggi. Nung una nahirapan kami ng partner ko as in everyday umiiyak and namomoblema kami pero ngayon, we just got married by God's grace and mas naniniwala na kong iba talaga pag hinayaan mo nalang Siya yung kumilos para sayo. Pero yun nga. be strong. someday maiiyak ka nalang din sa tuwa once na mafeel mo na kakulitan niya sa loob ng tummy mo 😅 Godbless to you and your future family!
Magbasa paThink positive gawin mo yung mas tama. wag ka mastress masama sa baby yan. everything happen for a reason and remember di naman porke nabuntis ka is katapusan na ng lahat. you can still pursue your plans kahit may baby infact mas dagdag inspiration napaaga ka lang mabuntis. wala na naman tayo magagawa jan. just learn from your mistakes. but having baby is not a mistake its a blessing. yung iba nga ginawa na lahat para mabuntis ikaw ayan oh binigyan ka ng blessings na masasabi mo na sayo talaga at di maagaw ng iba. gawin mo inspiration yang baby mo. laban lang!😊 magsabi na agad sa parents. they surely know what to do. dont mind other people will think about you wala naman sila maitutulong sayo. besides what ever you going through ijajudge ka nila. kaya stay positive.
Magbasa paWag kana po mastress ate, ako po 16 years old lang turning 17 sa sept. Pero kinakaya po namin ng boyfriend ko ang buhay na tinatahak namin ngayon. Napasok parin po ako at hindi ako nahihiya, april 3 last pasukan namin tapos mag als nalang ako sa susunod na taon. Para sakin po kasi hindi pa huli ang lahat. Dinedegrade ako ng family ng boyfriend ko kasi Lasalista yun at tapos na ng College tapoa ako high-school lang. Pero hindi kopo hahayaang hanggang dito lang ako. Honor student din po ako at laging nangunguna sa klase pero eto ako buntis. Sa una po mahirap at nakakatuliro pero mamahalin mo din po baby mo and araw araw ka magpapasalamat na pagising mo alam mong gising na din siya. Stay strong po satin! Hindi po dito natatapos ang lahat!❤❤
Magbasa paWow. You don't know what to do? Nakipag.sex ka tapos ngayon yan ang sasabihin mo? You are well aware of what might happen tapos depress2 ka ngayon. Think of the bright side uyyy. A baby is always a blessing. You may not appreciate that now, but eventually you will. And believe me, magpapasalamat ka na nabuntis ka. Isn't it exciting na you are very young. Pag lumaki na yang anak mo para lang kayong magkapatid, mag-bff.. ang cute2 kayaaaa. Be grateful always. Everything happens for a reason. And definitely, with that baby, there's always a good reason. You now have someone who will love you and whom you will love unconditionally. You will realize how much you are capable of loving someone❤
Magbasa paMarriage before sex. Hirap sa kabataan "L" ang inuuna. Hindi nyo nirespeto yung sarili nyo at mga magulang nyo. Nasa taas ang utak wala sa talampakan. Sana inisip nyo muna mga magulang nyo,mga plano nyo sa buhay at ang buhay na bubuuin nyo bago kayo nakipagsex. Ang SEX ginagawa to give life hindi basta "L" lang. Natural mabubuntis. Nakipag do sa hindi naman asawa, tapos sa huli MAGULANG nyo pa din sasalo sainyo. Sila pinahirapan nyo kung stress lang pag uusapan. HOW IRRESPONSIBLE. Buhayin nyo yan at PANINDIGAN nyo dahil andyan na yan. Don't complain or say anything sa mga magulang nyo para mangatwiran, walang words na makakapagjustify sa gnwa nyo. Please lang this time maging responsable kayo.
Magbasa paGanyan din ako momsh bread winner ako ng family namin and tulad mo di rin sila nagkulang pagsabihan ako kaya pumayag din na mag boyfriend ako 32yearsold pa yung naging boyfriend ko and im only 18 going to 19yrsold pero still okay sa kanila kilala ako sa lugar namin and sa bayan namin kasi nasali ako ng mga pageant and model ako ng iloilo and eto nabuntis din takot ako nung una pero nung sinabi ko na syempre magagalit talaga sila pero anak padin nila ako tatanggapin at tatanggapin padin and may trabaho naman din yung boyfriend ko he is a manager sa isang company kaya wala rin syang worry buhayin kami kasi may savinga sya kaya mo yan sis kakayanin mo para sa baby goodluck and cheer up💓
Magbasa pa19 years old ako nabuntis 20 naman bf ko at pareho kami nag aaral. Sa una lang naman magagalut parents mo pero pag nakita nila na nagpapakabuti ka para sa baby mo mawawala yang galit nila lalo na pag labas ng baby mo. Blessing yan wag mong sayangin. Yubg iba jan gusto magkaanak pero walang magawa dahil di sila binibiyayaan ikaw swerte ka yun ang isipin mo. Now nag sisisi ako noon na naisipan kong ipalaglag baby ko. Sobrang happy ako now kasama bf ko nagsasama na Kami tas sya nag wowork na. Kaya mo yan girl. Mag 8 months na kong preggy at happy ako sobra. Mararamdaman mo dinto pag naaccept mona sitwasyon mo. Godbless saiyo. Isa pa maswerte kana din at pananagutan ka ng bf mo.
Magbasa paSame tayo ng sitwasyon sis talagang tatag lang s asarili ang kailangan nangyan na yan di mo man enexpect pero lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari sayo yan, sana di mo itatago yan sa parents mo kasi mas magagalit sila pag pinatagal mo pa, kahit maaga pa tyumempo ka ng panahon na good mood at di sila stress, pag pinaggalitan ka tanggapin mo kasi di sila nagkulang sayo, mas mabuti nga na di k tinakasan ng bf mo na tanggap niya kazi sa panahon ngayon madaming nang iiwan pagkatapos nilang malaman buntis gf nila, then mag pray ka sis na bigyan ka ng lakas ng loob na masabi mo agad sa parent mo yan kasi di deserve ng baby mo na itago.Godbless you sis be strong
Magbasa paMe, Im only 17 when I get pregnant at nag aaral ako sa private pa. Nung una ganyan din iniisip ko, sobrang laking tiwala nila sakin at yung expectation nila. Syempre nung una nagalit sila at 1 week din akong iyak ng iyak nun dahil hindi ako pinapansin ni mama. Pero natanggap din naman kasi wala na silang magagawa, nandito na daw. At kahit malaki na tyan ko, pumapasok pa rin ako sa school. Tuloy pa rin ang buhay, hindi hadlang ang pagkakaron ng anak para sa pangarap mo. At ipakita mo sa mga magulang mo na yung mga pangarap nila sayo ay ma aachieve mo. Kaya mo po yan laban lang
Magbasa pa