Cant detect heartbeat after 7weeks :(

Sobrang lungkot ko diko alam gagawin ko. Sino po dito nagpapaultrasound sa Medical City sa main? Nung lumipat ako ng utrasound clinic to Medical City sa ortigas di na nila madetect heartbeat ni baby :( yung doctor na nag uultrasound sakin sabi niya di nya raw gamay yung machine, kaya tinawag nya isang doctor pa. Hindi rin niya gamay ioperate. So 3 na sila nun, nadetect mga 87 lang daw heartbeat. So pinalipat ako ng machine, ayun sabi wala na raw heartbeat. Tas yung isang ob sabi gumawa nalang daw uli kami after 2 months ni hubby.. diko sure if joke or not pero nasaktan ako..

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Magpa2nd opinion ka mi. Yung 87 na hb, hb mo yun. Saka di marunong yung nagoperate ng machine so i suggest na lipat ka sa iba.

Mag try ka po sa iba, sila na nagsabi na hindi nila gamay ang machine so possible na magkamali sila ng findings.