Im so sorry mamsh..been there last 2018. First baby Sana namin Ng husband ko though may unang baby na ako sa pagkadalaga. Supposedly 12 weeks na sya, nagkaron ako Ng spotting na sobrang konti as in isang line Lang sa panty na parang na trace lang ung hiwa ng genital ko, color brown sya, sakto check up ko that time Kaya sinabi ko Kay doc. Nag Doppler kami di nya mahanap heart beat. She recommended ultrasound. Andun pa si baby pero intrauterine fetal demise na daw. 7 weeks and 5 days by gestational age. Parang halos isang buwan na pala syang walang heartbeat sa loob Wala akong nararamdaman kundi slight na pananakit mg balakang na akala ko normal Lang. Sobrang heart broken kami. Di kami nakauwi agad Ng asawa ko sa bahay Kasi daming naghihintay samin para malaman kalagayan ni baby. We went straight to the mall Hindi para mag shopping kundi para bumili Ng ticket sa sinehan at dun kami sa balcony nag iiyak. Nung naiiyak na namin Sabi sakin ng asawa ko wag daw akong magtatampo Kay Lord. Kahit sobrang sama Ng loob ko at Alam ko sya din, humanga ako sa faith nya. After almost a year nabuntis ako ulit. Eto na po mag se 7mos na si baby sa tyan. Konting paghihintay na Lang. Alam ko sobrang hirap Nyan but keep on praying Lang mamsh.. si Lord Lang makakatulong sa Inyo sa panahon na to..
Magbasa pa
Mama bear of 1 handsome cub and another one on the way