Picky Eater Toddler
Sobrang hirap pakainin ng 1 year & 11 months daughter ko. Gusto lang nya milk. Naka Similac milk sya since newborn. Nung nagstart sya mag solid food ok nmn nakain sya ng mga mashed fruits and vegetables pero kaunti lang tlga. Sa kanin bago maka isang kutsara pahirapan din. May time lang na malakas sya kumain ng banana pero other than that puro bread n lng hinihingi nya. Ngayon almost more than 1 month na ayaw n nya tlga ng rice at ulam puro milk at bread n lng tlga π Kaka frustrate. Sabi ng pedia gutumin daw nmn wag mag offer ng milk para kumain ng rice. Dapat in between meals lang ang milk. Pero nagwawala sya pag hnd binibigay ang milk. Magaling n sya magsalita at laging NO EATING ang sinsabi nya pag pinapakain nmn sya. May ganto din ba kayong experience? Ano po ginawa nyo? Thanks in advance.