MAGIGING TOP NOTCHER AKO
SOBRA NA. Di ako papayag na maliitin ako ng ganito ganito dahil lang buntis ako. Pasensya na nag-aaral ako. Nagmemed ako oo matagal pero tangina buhay ko naman to. Di naman ako nagkukulang nung di ako buntis, ngayon pinipilit ko pa pumasok kahit di ako nagpapasyente muna. Darating ang araw sampal sa kanila ang diploma at 3 stripes sa toga ko. Pati PRC license ko isasampal ko sa kanila. Hindi pa huli ang lahat. Mahal ko ang pinagbubuntis ko at di ko hahayaang simulan nila kong minamaliit. Kaya sa mga mommies dyan, wag panghinaan ng loob. Iiyak lang pero di susuko!!!