1st Trimester

Share nyo naman po ano yung mga nafeel or experience during your 1st trimester ?

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

On my 1st 2 months, hindi pa namin alam na buntis ako. We waited for 2 months delay para sure since nag-false alarm kami before. Napansin kong mabilis akong mapagod, walang ganang kumain, madaling antukin, at bigla biglang may iba't ibang cravings at feeling nauseous. Nung nag PT test na kami on my 2nd month delay/supposed to be cycle, ayun nga't nalaman naming buntis na nga ako kaya pala ganon ung mga nararamdaman ko lately. Then on the ultrasound the next day, duon ko naman na 2 months preggy na nga ako. From that time til now, on my last week of 1st trimester, nawala na ung random cravings, pero madalas feeling nauseous parin at bloated. Ngayon, naglessen na ang mga ganito, madalas constipated nga lang. Besides that, wala naman na akong ibang uneasiness na nararamdaman. Wala akong morning sickness, walang pinaglilihian at hindi din maselan. Be patient lang din mommies sa mga nakakaranas ng mga discomfort. Pray for God's comfort and strength to be upon you, para sayo and for your baby. 😊

Magbasa pa

FTM. 10 wks na po. Pinakamahirap na naranasan ko iniiyak ko talaga yung 3 days bloated ako. Kahit tubig sinusuka di makakain. Im glad after 3 days umokey na, inaagapan ko na. Small meals ganun. Kaso nausea nagpapahirap sakin lately. Kahit tubig isusuka ko. Pero positive lang ako ssbhn if this is the way para malaman kong nandito lang si baby ok lang kahit mahirap. Iba ko pang experiences are walang gana kumain (kaya di ko nagagawa yung 6 smaller meals at pumayat ako) pero pinipilit ko pa rin, laging tulog/pagod sa umaga, kaso sa gabi dilat, mainit kahit nakaligo na, mapait na panlasa naglalagay ako madalas towel sa bibig ko kasi grabe ako maglaway. πŸ˜…πŸ˜”

Magbasa pa

first time mom po ba kayo? baka po makatulong.. hi po sa mga manganganak pa lang. 😊 Hi guys! Sa mga manganganak pa lang at kinakabahan, baka makatulong sa inyo ang aking birth story, presented by my husband. Share lang namin ang aming experiences, detailed safety protocols sa hospital at kung ano mga kailangan pag manganganak na ngayong may pandemic. Pakishare na rin sa iba. Thanks po. 😊 https://youtu.be/NAGOQ0k1Zto #healthprotocols #paanomanganakngayongpandemic

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

lagi akong gutom! as in 'yung gutom na gutom na parang isang buong araw hindi kumain. pero ang onti lang naman nakakain ko~ nag iba na rin boobs ko pero hindi ko pa alam na preggy ako that time.. HAHA 2nd month na ako nung nalaman ko, nung nag start na ako ng morning sickness. buong araw ako nasusuka; minsan duwal duwal lang. then ayun, dun ko lang naisipan na mag PT. ❀️❀️❀️ second trimester na ako now.

Magbasa pa

Laging tulog. Tapos sensitive sa amoy. Makaamoy lng ng ayaw suka agad, mapili sa pagkain. Lahat ng nakakain sinusuka agad. Dumating pa sa point na suka ako ng suka na wala nang lumabas tas umiyak nako non sabi ko sa partner ko ayaw ko na pagod nako πŸ˜… Ngayon 16 weeks nako hnd naman na ganon kalala pero medjo mapili pdn sa pagkain pero hnd na gaya dati nung 1st trimester ko na malala tlga.

Magbasa pa

Parang palagi mababa ang dugo. Walang gana kumain. Hindi naman ako nagsuka ng bongga pero madalas akong nahihilo. Di ko pa alam that time na preggy na pala ako. First PT ko negative. Yun 2nd try, ayun positive na. Sobrang selan, bawal magpagod at magpaka-stress. Bawal bumiyahe ng malayo, bawal matagtag. Binigyan din ako ng ob ko ng pampakapit. Ang hirap ng first trimester ko. πŸ˜…

Magbasa pa

Ang morning sickness ko sa gabi umaatake, mabilis din ako mahilo lalo pag nasa labas or grocery feels like maba-black out. I'm 12 weeks now pero mas naging strong yung pagiging sensitive ng nose ko, dati kaya ko pa amoy ng ginigisa or pritong fish ngayon I can't resist. Aakyat talaga ako sa kwarto. Mabilis hingalin lalo pag umaakyat ako sa kwarto kasi 3rd floor pa ang room ko.

Magbasa pa

i'm on my 11 weeks, hirap po makatulog, nanlalambot minsan, tamad gumalaw (kahit sa work πŸ˜‚) tapos yung mga pagkain magkalalasa! neto ko lang parang na figure-out na parang yung sa bawang sibuyas pala ko parang nasusuka. Pag nauubo ako dumiderecho pag susuka, as-in! hanggang halos wala na akong maisuka. Kaya naten to momshies! hehe ingat lang palagi πŸ₯°

Magbasa pa
VIP Member

Nung buntis po ako at first trimester napansin ko lang po lage ako gutom kaya then sobrang naging antukin ako kaya ang gawain ko kaen tulog. Minsan nasakit din yung breast ko yapos everytime na kumakain ako ng fave food ko which is spag, nagsusuka ako tapos sobrang tamad din ako maligo kaya nakakaligo ako mga 4 to 6 na πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

Magbasa pa

Currently in my 1st trimester po. Di na ako nakakatulog sa tindi nang acid reflux ko. Eto ung major problem ko now kasi pagod na ako sa kakapuyat, di tlga ako makatulog dahil narin sa hapdi sa dib2 ko. Masakit nadin lalamunan ko sa GERD. Diko napo alam gagawin ko. Tinitiis ko nalng matapos lang ung buwan na eto.

Magbasa pa
4y ago

Same tayo ng situation