Induced
Ask lang po.. ano process pag induced labor ka na? Paano po gagawin sa buntis?? thanky☺️
Lalagyan ka ng swero na may gamot na oxytocin, itatitrate yung gamot hanggang sa maging regular na yung contractions mo. Imomonitor din heartbeat ni baby. Madalas ka i-i.e. to check kung nagdadilate na yung cervix mo at kung bumababa na si baby. Pwede ka lagyan ng catheter para di ka na tatayo para umihi. Minsan may mga iba pa sila binibigay na gamot depende sa nagpapaanak. Pag regular na contractions mo at mababa na ang ulo ni baby papairihin ka na.
Magbasa paMay e inject sayo ipapadaan sa dextrose mo. Tapos madalas na ang contractions at mas doble sakit sa normal labor. Palagi kang e NST, para e check ang movement at heartbeat ni baby. At palagi ka ding e i.e.. I induced ka lang naman kung may complications or kung overdue kana. Para madaling makalabas sa baby.
Magbasa paInduce labor din ako, may iinject lang na pampahilab na gamot sa swero mo, then after ilang minutes maghihilab na po ung tsan mo yun na yun sobrang sakit halos maiyak iyak ako sa kama nun hanggang sa tumaas ng tumaas cm mo
May iinject sayo, tas may ippasok din sa pwerta, masakit na hilab after. Ginwa yan sakin kasi pumutok na panubigan ko dpa dilated cervix.😥 Kaya mo yan sis..God bless.
As far as i know un ung may pinapasok sa pwerta. Diko lang sure if may iba pang process ah. Ksi dpat iinduce ako kaso bawal sakin may asthma ako
Salamat po! May posibilidad naman na ma i normal si baby kahit induced? Basta bumaba lang sya?
Kaya iniinduce para maging normal delivery. Pag failed yung pag induce, example di bumaba si baby o kaya naman bumagal heartbeat ni baby, dun ka ma-emergency cs.
My iinject sayo pampahilab. Goodluck super sakit nyan. Sa i.e palang solve nako 😂
Through injection po 😊
ばかいらない??♀️