MY 5 DAY OLD NEWBORN
sobrang hirap ang may newborn lalo na kapag 1st timer kayo pareho ni partner mo. 😠umuwi kami sa nanay niya here sa bulacan para matuto sa mga bagay-bagay, pero kasi ako marunong ako magbasa-basa about newborn babies. tuwing umiiyak anak ko, sinasalpakan niya agad ng dede kahit kakatapos lang mag-dede tapos tuwing pinapadede niya hindi naka-elevate ang ulo ni baby. natatakot ako ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ yung LIP ko pinagmamalaki niyang expert na mag-alaga MIL ko kaya wag ako mag-alala.
Hello. That's a big NO. Ang ways ng oldies ay hindi na applicable since marami ng studies on how to better care for a child. Ang maipapayo ko sayo. Much better kung ipabasa/basahin mo rin sa husband mo yung mga nababasa mo, para on the same page kayo. Pero make sure legit yung source like pedia para maniwala siya. Isama mo rin siya sa check ni baby mo, para Dr mismo makapagsabi sainyo at maniwala siya. Kasi mahirap magpakaina sa poder ng inlaw kapag walang support from husband. Mahirap pa naman turuan ang oldies, kasi mahirap na baguhin ang nakasanayan na nila. Kaya kailangan mong maconvince ang husband mo muna. Para siya ang magcorrect sa mother niya. Isa ko pang suggestion sayo, maging hands on ka sa anak mo, wag mong alisin sa mata mo at sa pangangalaga mo. Kapag kinorek ka, smile ka lang at wag sundin kung alam mong mali. Mao-offend kasi ang oldies kapag kinorek mo sila kahit maayos pa pagkakasabi mo. Maigi nang matawag na matigas ang ulo kesa walang modo at mayabang (dahil nagmamagaling). Base on experience lang.
Magbasa pa