βœ•

8 Replies

naku simula pa lang yan, pero ang wag na wag mo paluin o bulyawan wala alam yan. alam ko mahirap kasi ranas ko rin yan. gawin mo kapag gising siya saka ka gawa mga gawaing bahay sabayan mo siya at dapat di sinasanay sa karga, baby pa yan kaya puro higa pa lang di pa yan gumagapang. kapag tulog siya tulog ka din. diskarte ka paano mo gawin gawaing bahay habang karga mo siya kung ayaw magpababa. isip paraan lagi lalo kung walang tutulong sayo. mga gawaing bahay nanjan lang yan di matapos tapos pero ang tulog natin kailangan kasi si binat nakasunod yan puyat ang nag ti trigger sa lahat sa pagiging emo sa hormones sa pagkabugnutin pagkamadaling mapagod etc. piliin mong masiyahan na makita si baby at mag smile kahit nahirapan ka mas magiging positive ang mood mo try mo lang. at monthly may pagbabago lagi sa mga babies pansinin mo at paghandaan paano ka mag adjust. at lastly bili ka carrier malaking bagay lalo kung nasanay sa karga si baby makakagawa ka gawain.

relax momsh. wala ba makakatulong sayo na mag alaga? konting patience pa. mahirap pero isipin mo si baby. lilipas din yung phase ng ganyan. minsan lang sila baby konting push pa tayo kahit mahirap. naiintindihan kita momsh pero wag mo paluin si baby kawawa naman. kung di mo sya mapatulog take time to breathe, ihiga mo sya ng 5 minutes, inhale exhale. pakalmahin mo sarili mo. double check din si baby momsh, paulit ulit pero need kasi icheck since di pa sila nakakacommunicate ng maayos. check diaper, kung kinakabag, gutom or gusto lang tlaga nang kalinga mo. pag nagpapadede ka mag side lying position ka para nakakapahinga kadin. relax ka lang momsh. pakiramdam ko din kasi nararamdaman ng babies yung emosyon ng mga mommies. try mo lamibingin. sakin kasi noon nadadaan sa lambing. and try swaddling.

mabuti momsh at open ka sa asawa mo at naiintindihan nya na need mo ng emotional support. matatapos din yan momsh. may time na babalik pero expert ka na nun. mahirap kasi nangangapa pa talaga sa una. aside from swaddling try mo yung pag ihehele mo sya maglagay ka unan sa pagitan nya at braso mo para pag ibababa mo sya hindi sya masyadong malilikot, yung flat na unan ba. not sure kung effective sa iba pero nakatulong naman kahit papano. duyan di ko natry eh. maganda mag side lying sis para pag binaba mo sya try mo magpadede. make sure din na hindi sya naiinitan or di nilalamig. kaya yan momsh. di mo namamalayan tapos na sya sa ganyang phase tapos expert ka na, worth it kahit mahirap lalo na pag nagiismile na si baby as in talagang yung smile, bawi ang pagod. sending virtual hugs momsh β™₯️β™₯️β™₯️

same tayo mi kakaone month lng ni baby ko kahapon ayaw din magpababa . kaya ginawa nmen binilhan nmen ng duyan para pag umiyak uuguyin nlng ... Napopostpartum naden ako minsan naiiyak ako bigla magisa pero napapagalitan ko sya pero diko sya pinapalo ng pabiro heheπŸ˜… Bumaba pa nga dugo ko sobra nun . Dahil panay walang tulog asawa ko mas tulog pa sa anak ko pag gabe . Pero hanggang ngayon kinacareer ko nalang ftm lng din kase ako 😊. sobrang excited din nmen kay baby kaya inexpect ko nayang puyatan malala πŸ˜‚

na try mo na bang mag pa music or white noise mag patulog sakanya? ang baby niya pa para mapalo mo, baka may nararamdaman din siyang di maganda iyak lang talaga gagawin niyan momsh, hinga malalim baby yan, alam kung di madali mag alaga ng baby pero di rin yan madali sakanila yan. try mo itabi sakanya yung damit mo nakaka gamit lang para andun pa yung amoy mo at sabayan mo ng music or white noise. kaya mo yan isipin mo nalang di ginusto ng bata na yan mabuhay sa mundo.

patience po mommy, wag mo po paluin si baby kawawa naman. kapag po pagod na talaga baba nyo po muna si baby sa crib kahit saglit, tapos hinga malalim, kakayanin po yan. magbabago din po ang sleeping pattern ni baby, sa ngayon talagang tiyaga ang kailangan para sa kanya. try nyo po iswaddle para feeling nya nasa womb pa din, nagaadjust pa din po kasi yan sa outside world. good luck po mommy, kaya mo po yan, para kay baby laban lang

salamat din sayo mommy.. sana nga magbago na routine niya para makarecover na din po ako at maalagaan ko na siya 100% at my best.. tama ka mommy, laban lang πŸ’ͺπŸ’ͺ

Ako po mii excited ng lumabas makita at maalagaan ko si baby alam kong puyat at pagod din magiging kalaban ko sa pag aalaga paglabas nya pero ok lang basta alam ko na nandyan na sya at safe sya. kaya mii tiis ka lang po nakayanan mong dalhin sya ng 9mos. mas makakayanan mo po yan ngayon lalo na ngayong nakikita mo na sya.

TapFluencer

habaan mo lang pasensya mo momsh ,halos lahat ng mommy napagdaanan yan kasi nagsasama na ang puyat at pagod kaya parang depress tayo ,,si baby mag iiba talaga routine nya habang lumalaki sya kasi nag aadjust pa sya ,,ako nga halos 3.months akong puyat pero nakayanan ko ,laban lang mommy ..

VIP Member

tiyaga lang mi ako rin nun wala rin kapalitan kase nagwowork si hubby. pero kahet may pasok sya kinabukasan tinutulungan nya ako sa gabe kay baby naiiyak na rin ako nun. mawawala rin yan mga 5mos na baby ko nun same na sa routine ng pagtulog namen.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles