Anong pinaka-ayaw mo nung nag-bubuntis ka?
Ako, yung pag-mamanas sa paa. Kasi di ko magamit mga sapatos na gusto ko ??
yung paglilihi ko noon, nagsusuka ako kapag nakaamoy akp ng hasang ng isda at ayaw kong kumain ng galungong dahil nalalansahan ako sa amoy. pero dati noong hindi pa ako nagbubuntis ay paborito ko ang galungong. pati nga pala amoy ng toothpaste, suka ako ng suka pagkatapos ko magtoothbrush.
ayaw ko yung amoy ng toothpaste or yung after breath ng asawa ko pag nagtoothbrush.. Amoy red horse kahit hindi sya umiinom.. yun yung naamoy ko at inis na inis ako hahaha
Ako lahat. Sobrang selan ko kasi mag buntis :( Pero di ko pinag sisisihan na nabuntis ako happy moment ko lang pag gumagalaw si baby sa tummy ko hehehe
Amoy ng Hamburger, amoy ng shawarma, at amoy ng sinaing hahahahaha ang weird pero yan ung mga ayaw ko nung lihi days ko. 😅
Pinaka ayaw ko yung ang dami daming pamahiin na wala namang sense pero maraming tao ang nagpipilit na gawin mo. Hahahaha.
Kapag sumasakit po ang likod o tagiliran. Kapag hindi ko masuot mga damit na paborito kong suotin.
Ako yung hindi ko makain yung mga pagkain na gusto ko..kasi kuripot si hubby ayaw nya ako ibili 😖
Pinaka ayoko talaga is yung tuwing madaling araw magigising ako lagi akong pinupulikat
amoy ng chicken sandwich sa mcdo.nakakasuka. pero favorite ko yun.ang weird
Pagkapos ng hininga.. ayoko pa naman na parang nalulunod na feeling.. 😢