Mga pagkain na ayaw mo noong buntis ka
Anong pagkain ang pinaka-ayaw mo nung nagbububtis ka
ako yung may ginisang bawang at sibuyas yan pinaka ayaw ko.. at yung manok pag inamoy ko mabaho talaga di ako makakain ng maayos😔 21weeks second baby di nman ako ganito sa first baby ko
sinigang na luto ni mil, ayaw na ayaw ko nung nag 5mos up ako pero yin pinaglihian ko nung first 3mos. until now ayoko na ng sinigang. parang umay na umay ako lagi
wala nga akong kinaayawan hahah kung anong hilig ko nung di pako buntis ganun parin hilig ko kahit buntis na as in wala talaga patay gutom parin 🤣🤣🤣🤣
ako wala.. 😅 nong preggy ako, I was waiting to experience what they call lihi period, cravings, dislikes, pero wala. Maybe am lucky not have those😊
Lahat ng may ginisang bawang at sibuyas 😂 pero nawala nung 2nd tri or parang nasanay nalang.. Tapos ung itlog ung smell ng boiled egg ayoko din.
Dati d pa ako buntis, gustong gusto ko talaga ng crabs and shrimp pero nabuntis ako, ayoko na sa lasa. Sumusuka ako nung nag try ako kumain.
Naging hate ko na Yung manok ..kahit anong luto pa Yan.. tas ayaw Kong makakaamoy o kumain Ng mga gisang pagkain
wala po di ako maarte sa pagkain at amoy nung preggy ako kawawa ng lang sakin si mr nung preggy ako hehehe
Ayaw ko sa amoy ng gisang bawang at sibuyas tsaka ayaw ko sa manok kahit anong klaseng Luto ng manok😅
Wala lahat kaen ko😁sa amuy Lang ayako ng mababango pra akong mahihimatay hilong Hilo ako😁