βœ•

Pa open lang po ng nararamdaman sana mapansin.

Hi mommies, Buntis po ako 36Weeks na.. May problema po ako parang na iestress ako πŸ˜” Ganito po kasi yun. May jowa po ako ngayon hindi po sya yung ama ng anak ko aware nmn po sya and boong family nya. Since nabuntis ako nong mga panahong hiwalay kami, neto ko lng kasi nalaman na buntis ako tapos sinabi ko po lahat sa kanya.. Tanggap nya nmn po. Seaman po yung jowa ko ngayon πŸ˜ͺ & yung nakabuntis sken naka suporta po samin ni baby ko. yung jowa ko di ko po inoobligar mag suporta kasi ayoko po may masabi sya though di nya alam na nakaalalay tunay na ama ng anak ko. Ff. Lagi po kaming nagaaway ng jowa ko mga momsh dahil hindi tlaga kami magkasundo.Bago lng kami nagka okay pero kagabi po nag away ulit kami, NAGING PRANGKA po kasi ako sa kanya. Sabi nya sken ako nlng laging nasusunod eh pano po ba? Malapit na syang bumaba wala po syang ipon wala din akng trabaho malapit nako manganak, Pinag awayan po namin is pag balik ko sa trabaho bakit po daw mas gusto ko mg trabaho sa ibang bansa kesa dto? Sympre po ilang taon nakong ofw πŸ˜‘ And isa pa po MAGIGING NANAY NAKO, kinabukasan po ng anak ko iniisip ko di ko nmn po gagawin yun pra sa sarili ko. sympre bilang ina gagawin mo lahat pra sa anak mo diba? Wala po akong parents kaya mas mgiging panatag loob ko kng may sarili akong pera pra smin dalawa ng anak ko. Kasi alam kong d kami kayang tustusan ng jowa ko ngyon, nagalit po sya saken kasi sarili ko daw iniisip koπŸ˜” SAGOT KO LANG PO "Mahal kita pero mas nangingibabaw yung pagmamahal ko sa anak ko". Haaaays Ngyon po nag post sya sa FB bya "Hindi daw pala sya kawalan" Dami pong mga negative comments πŸ˜” Haaaays nahuhurt po ako.. Selfish bako kng furture ng anak ko iniisip ko? πŸ˜” Sya kasi easy go lucky lng akala nya madali buhay d nya iniisip posibleng mangyari sa present and future πŸ˜” ano po ba dapat kong gawin sa jowa ko? pra maintindihan nyako πŸ˜”

2 Replies

for me hiwalayan mo na lng yan jowa mo... pokus ka muna sa sarili mo at sa baby mo... tutal nman sinusuportahan nman ng tunay na ama ung baby mo...

Ayaw nya, ilang beses ko na syang hinihiwalayan pero ayaw nya tlaga πŸ˜ͺ Tas konteng kebot lng away nanmn. Masama pa laging nag popost sa fb nya so immature hahay

Momsh, may I ask pag nag-OFW ka po uli, sino po mag-aalaga sa baby mo po?

Sa kapatid ko po since sya lng yong family na meron ako, and kuha poko kasama nya sa bahay.. Actually kelangan ko iwan c baby by end august po since kelangan kong bumalik atleast 1 bwan sa employer ko para d mgka gulo sa Employment status ko πŸ˜”

Trending na Tanong