Pagkain

Normal po ba mawalan ng gana kumain pag buntis? I'm 6 weeks pregnant na po kasi🥰

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ko po alam kung buntis ako kase last week po nag take ako ng pt at nag positive naman pero kinabukasan niregla ako and 2days po malakas dugo ko nakapuno ako ng napkin pero nung 3rd day ko na hanggang 7th day puro na lang po patak. iba po kase nararamdaman ko lagi po akong walang gana sa lahat tas lagi po akong nahihirapan huminga kaya nag take po ulit ako ng pt after ng mens ko. Kahapon po nag take ako ng PT second ihi ko po sa umaga yung tinest ko wala akong kinain na kahit ano at hindi rin po ako uminom nung nag take ako ng pt tas yun po after a minutes nag 2lines po and faint line Yung isa hanggang sa umabot ng hour saka po luminaw yung faint line and then kaninang umaga po nag try ulit ako unang ihi ko naman po yung tinest ko and 2lines po ulit pero sobrang labo po Yung isang line hindi po makikita pag d titignan ng mabuti. Lagi din po akong walang gana kumain ng kanin kahit gutom na gutom na ako tas lagi din po sumasakit yung balakang ko

Magbasa pa

opo sis, pag first trimester mawawalan ka gana kumain. pero may ilang mommy na matakaw, iba iba po kasi pagbubuntis natin. ako po walang gana, bumaba ng 2kilos timbang ko :( perro now 2nd tri, grabe lakas ko na kumain dahil di nako tinitigalan ng gutom 😁

paglilihi na daw po yan sabi sakin sa clinic 😊 nag uumpisa na magbago appetite. hanggang ngayon ayaw ko pa din ng mga ayaw ko nung naglilihi ako.. pero nakakakain naman na ko ng kanin ng maayos ngayon, wag nga lang marami kasi nakakalaki ng baby 😊😊

Sakin po kasi 8 week and 3 days na po ako ngayun kaso tinatamad po ako kumain ng kanin tes pag gabi namn nag susuka ako tes kapag umaga normal lang po ba kaya yon??

ganyan talaga momsh pag first tri walang gana kumain, pero pag 2nd tri palagi ka naman gutom pero di naman pede sumobra kain kase kelangan daw mag diet baka lumaki si baby 😅🤣

Ganyan talaga sis pag 1st trimester...ganyan din ako..Basta magpakatatag ka nalang..KC mawawala Rin Yan pag 2nd tri kana..bsta uminom ka Lang Ng vitamin..at prenatal is the best..

14 weeks preggy ako ngayon lang bumalik appetite ko, kahit kanin ayaw ng taste buds ko.. so ginawa sakin nilagang saging na saba, ayun ang kinakain ko.. pero ngayon okay na...

8 weeks and 3 days din po ako ngayon. wala talaga akong gana kumain at bumaba timbang ko ng 2kls. Masama din pakiramdam ko palaga parang gusto ko nalang matulong buong araw.

naglilihi ka po nyan, normal lang po yan basta try you lang po kumain especially fruits and veggies na gusto mo mawawala din yan when you reach 2nd trimester na.

yes po.. ung kakainin mo parang isusuka mo lang ulit.. pati water.. same tayo nasa first tri.. currently 11 weeks now..