Welcome to the World!

Chael Skyelyr ~ December 04, 2019 ~ 09:13pm ~ NSD ~ 2.7kg Meet my Baby Skye po ? Sa wakas ako naman ang mag magsheshare ng experience ? Palagi ako nag babasa ng mga posts ng iba na nanganak maaga nakaraos ❤ Ang due date ko pa talaga base on LMP is Dec. 26 pero sa utz Dec. 21 pa. Nag pray lang ako kay Lord na sana mas maaga para bago mag christmas mga atleast first week of Dec. Pero okay lang din kung sa due date pa, pinag pray ko din for normal delivery at safe and healthy si Baby. Masyado mabait si Lord kahit di ko deserve ? kaya sobrang thankful ako. Napaaga ang due ko at sobrang unexpected sa Antipolo ako manganganak nasa Pasig pa ko sa bahay namin ? 12am na ko natulog kain pa ko ng kain at uminom ako ng Milo na may gatas, saka ko natulog. By 4am nagising ako para umihi, tapos pag higa ko matutulog pa lang diwa ko naramdaman ko talaga may lumabas na tubig sa pwerta ko ? nung una di ko pinansin pero parang ayaw tumigil pabugso bugso lang naman so balik ako CR edi umihi ako ulet, naramdaman ko may parang bumagsak sa loob sa pwerta banda, umupo muna ko sa sala namin at inaassess ano nangyayari kasi baka manganganak na ko eh tatawagan ko Asawa ko sa phone dahil nasa Antipolo pa sya. Schedule for ultrasound ako ng Thursday (Dec. 05) that time, nagantay muna ko 1hr. Nung ramdam ko dumadami na tubig at basang basa na panty at shorts ko kahit kakapalit ko lang nag decide na ko tawagan Asawa ko para magpaultrasound kami gusto ko kasi malaman kung nababawasan na panubigan ko. Wala kong mucus plug or blood show, wala ding contractions kaya napaka kalmado ko. Mas nagpanic pa yung nga kapit bahay namin pinapatakbo na ko sa ospital kasi pumutok na daw panubigan ko. Pero pabugso bugso lang pag sumandal ako, umupo, tumayo kaya di ako naniniwala ?. Pero that time pinag grab car na ko ng Asawa ko naligo na ko at pinapunta na sa Antipolo kung san ako manganganak. Kalmado pa ko pero nakakaramdam ako ng onting kirot sa puson. Pagdating don diniretso ako sa OB ER. Ina I-E ako. Sabi sakin 1-2cm pa lang daw ako at kinausap ako na 36-37weeks pa lang Baby ko may possibility na premature sya at wala daw sila ICU magtetake daw ako ng risk kasi pumutok na water bag ko. Kinausap din Asawa ko. Pero alam ko healthy Baby ko alaga sya sa vitamins at prayers ? pina Admit na ko at di na ko pinalabas sa labor room at sinabihan ako na pag di daw nag dilate cervix ko scheduled CS ako ng 4pm. Wala ako breakfast ? pero di ko ramdam ang gutom kasi nagstart na labor ko ng 10am.. Sobrang hirap sakin kasi nauna water bag ko... Naisip ko okay na ma CS kasi sobrang sakit ng Labor.. Pero sobrang thank you Lord kasi lumaban si Baby 12pm 5cm na agad ako. Sabi nagpoprogress possible di ma CS. By 4pm nag 7cm na ko grabe na talaga sakit non nagtotrauma pa ko kasi yung isang babae sa loob ng labor room pinagalitan dahil accidental nyang nailabas yung baby magisa ng walang nagpaanak sa kanya, sinabihan sya papatayin daw ba nya anak nya kasi baka ma sakal at kung ano ano pa. Nag crowning sya ng di nya nasabi agad. Kaya bawat hilab sakit at ramdam ko baka lumabas na rerequest ako ng IE ? by 7pm pinasok na ko sa delivery room grabe na sakit 8cm na daw ako eh. Aba napaka malas ko at may sayaw sayaw pa ng christmas party ang mga staff kaya di nila ko inaaccommodate agad. Iniire ko na talaga di pa nila ko tulungan wala na ko energy! Walang kain! Walang tubig! Grabe na kinausap ko na nga anak ko nanginginig na ko non pati boses ko na lumabas na sya di ko na kaya ?. By 9pm saka lang ako pinaanak na ay grabe di ko na alam anong sakit wala na ko maintindihan halo halo sa hilab, sakit, kirot hirap akong iire ang anak ko maliit sipit sipitan ko na stuck ang ilong nya kaya hiniwaan ako wala na ko lakas iire ? pag labas ng ulo bawal na umire ramdam ko paglabas ng katawan nya ? pati yung pag kuha ng placenta talagang ramdam ko lahat. Nung tinatahi na ko ayaw ko na maisip pinapakinggan ko na lang iyak ng baby ko talaga namang nilibang ko na sarili ko iniisip ko sarap sa feeling di na hihilab tyan ko ?. Sobrang worth it kahit nakakapagod! Mahirap mauna panubigan at magantay ng isang buong araw na bumuka ang cm mo! From 1cm-10cm nakakapagod 11hrs labor ?. Ibang klase ang mga nanay, dumadaan tayo sa ganto kaya sobrang saludo for the Mommies! Team December kaya nyo yan! Ako nga kinaya ko eh ? Praying for safety hopefully Normal Delivery sainyong lahat! Thank you Asian Parent since 10weeks until now nanganak na ko ? Sobrang saya katabi ko na at nahahawakan na ang Anak ko ❤ tiis lang kayo mga preggy makikita nyo na din ang inyo! ?

Welcome to the World!
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po.. Sna ako dn manganak na.. Dec26 dn due ko, umiinom na ko ng eveprimrose at pineapple juice pero wla pa dn.. Ano pa kaya ang pwede ko gawin bukod sa paglalakad at paginom?.. Gstong gsto ko na mkita baby boy ko

5y ago

Actually wala nga po ako ginagawa wala din ako tinake, maaga lang talagang lumabas baby ko. Pero tuwing umaga naglalakad lakad po ako atleast 1hr, kain lang ako puro prutas tapos inom ng madaming tubig, kaya maya't maya ako ihi ng ihi bangon ng bangon kaya na pwersa na din ata yung matris ko sa kakatayo at higa. Try nyo po mag squat at puro walking lang na walang tigil for 1hr. Baka effective po sainyo

Sana all mommy hehe congrats po

5y ago

Thank you po 😊