Tama pa ba itong desisyon ko?

Hi sissies and mamshies! I just wanna share this to you also to spread awareness of obssession. Kaninang umaga nag pt ako kase 10 days nakong delayed and nag positive naman (faint line sya pero super visible) then kaninang tanghali sinundo ko asawa ko sa work nya. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan na MALIIT NA BAGAY LANG NAMAN. I was the one who fix our problem pero nagalit lang sya at nagwala. Sinampal nya ako at hinampas sa hita at dibdib. Natadyakan nya ang puson ko but LUCKILY hindi ako dinugo at hindi ako nakaramdam ng sakit sa puson. I don't know why but thank god i think safe baby ko kahit first weeks palang sya. Gusto ko man tawagan papa ko to seek for help pero hawak nya cp ko at late nya na binalik nung nakauwi na kami. At the end he always saying sorry and feeling guilty and regretful sa nagawa mula pa man noon past 4 months until now ganito ka violent asawa ko. Kinausap sya ng parents ko and now naiiyak sya dahil naiisip nya mga sinabing paalala ng magulang ko. Eto naman ako nasasaktan pag nakikitang naiiyak bahagya asawa ko kasi di naman ito iyakin. After all na giawa nya sakin until now i really love him as he really love me that much. Pumasok man sa isip ko na iwan sya but i just can't

Tama pa ba itong desisyon ko?
119 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

You know what sis eto na lang isipin mo napaka simple Love yourself o dikaya kung dimo kayang mahalin sarili mo kahit yung bata na lang ang isipin mo.

May pagka psycho asawa mo nuh, pero try mo kausapin at magkasundo kayo like "the next time na saktan ka nya iiwan mo sya at uuwi ka sa inyo"

Sampal, hampas, at tadyak. Grabe naman ang asawa mo sis. Kahit simpleng mura nga lang senyales na yon na wala syang pakialam sa feelings mo.

Mali sis ginawa ng asawa mo sayo. Nakakalungkot, bakit kailangan ka pang saktan? Sana makipaghiwalay ka Muna, buntis ka. Baka maulit pa yan,

Naku sa akin mngyari yan tpos agad..di na patatagalin kc uulit na nman yan iiyakan ka lng kau na ulit tpos sasaktan ka na nmn...naku!..

Get MEDICO LEGAL. Putulan mo na ng sungay habang maaga pa kung ayaw mong umabot pa sa panahon na binubugbog ka na sa harap ng anak niyo!

Sis ganyan ang cycle of abuse... mauulit at mauulit yan . It's either maghihiwalay kayo or gagawa ka ng paraan para magtino cya...

pinili mong manatili kahit binubog-bog ka. USO PA RIN PALA MAGING TANGA. Then better be ready kasi mas ga-grabi pa yan. Goodluck. 🤔

Hala? Love ka? Hahaha sinasaktan ka nga eh. Baliw na pagmamahal yan. Hahahah! Baliwn yang asawa mo, iwan mo na yan baka mapatay ka pa nyan

5y ago

Baliw rin siya para magstay hahaha

Kung mahal ka niyan. Di ka sasaktan physically kasi mahal ka niya. Pero nasaktan ka niya i don't think po na mahal ang tawag doon.