Mas naging masipag ba si mister nang malaman na buntis ka?
1635 responses

Unfortunately, in my POV, parang lalo siyang tinamad. Hay. Nag-resign siya sa dati niyang trabaho kasi malayo. Ayaw naman daw niyang iwan kami ni baby kapag nanganak na ko. In that time, natouch ako. Pero ngayong nanganak na ko, nagbago na. Nakaasa kami ngayon sa MIL ko. When in terms of kailangan ni baby, si MIL ko ang gumagastos. Na dapat, siya. Don't get me wrong, nag apply naman siya sa government and I understand kung matagal yung process ng government pero sana na-anticipate na niya yun at kumuha muna ng part time job habang nag iintay for extra income kaso, waley. Puro nood ng games, laro ng genshin impact. Tumutulong siya sakin pero saglit lang. Yung tipong bubuhatin saglit para ipaburp si baby tapos balik sakin. Ni-hindi nga niya kayang i-hele para patulugin si baby eh. Haaayyy.
Magbasa pa



