Nilalagyan mo ba ng sinulid si baby sa noo kapag sinisinok?
Nilalagyan mo ba ng sinulid si baby sa noo kapag sinisinok?
Voice your Opinion
Oo
Hindi
Depende... (Ipaliwanag ang iyong sagot)

5964 responses

95 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pamahiin ulit. I remember nung days old palang si LO ko, palaging nilalagyan ng mama ko hanggang sa muntikan na nyang makain. So ayun, hindi na nagpumilit ang lola na lagyan ng sinulid sa noo si baby. Ang weird. Anong konek ng sinulid sa sinok? E muntikan pang mapahamak anak ko sa mga matatandang pamahiin na ganyan.

Magbasa pa

Hindi..ano naman connect non?? Hinahayaan ko lang sya kasi nawawala din naman and natanong ko din yan sa nurse nong nanganak ako kasi bigla sya sininok if natural lang ba yun..ansabi natural lang kya hayaan lang daw..so ayon sinunod ko naman..

breast feed lang. dati nilagyan namin sya ilang beses di nmn nawala .pero nung pinadede nawala nmn agad.. ilang beses un. pati ung bulak at nilagyan pa nila ng laway ung papel etc. wala nmn nangyare. minsan nagkakataon lang.

Sabi ng mom ko lagyan daw pero ayun sa nbsa q hindi totoo yun.sinisinok tlga ang baby lalo pag newborn.mas mainam na ilapag si baby sa higaan at pabayaan gumalaw galaw (activity)pra madivert attention nya kalaunan mawawala din.

kusa naman nawawala ang sinok ni baby..ilang minuto lang .pero pag pina dede mas mabilis mawala...siguro kala ng matatanda effective kasi ilang minuto mawawala na.which is ganun naman talaga..kusang nawawala.

VIP Member

di ko din alam kung bakit may sinulid. para sa akin kaya sininok si baby dahil di sya naka burp. pinapainom ko lng sya ng tubig or gatas para mawala sinok nya kaya importante naka burp si baby after magdede.

naglalagay ung byenan q pero inaalis q kc baka kako mhulog sa bibig ni baby lge pa nmn nka nga nga pg gutom na😅😅 instead painumin si baby ng milk noa pra mwla sinok..water nmn sa mga baby 6mos.above :)

noon sa kapatid ko😂 pero nung nagsearch ako about doon wala palang negative effect sa anak ko pero pag sinasabi nila yung pamahiin na yun, ginagawa ko nalang😅

hindi ako naniniwala don. kahit nga tubigvd ko pinapainom e. kapag nilalaguan nila tinatanggal ko kase alqm kong nilalawayan nila yung sinulid ora dumikit sa noo.

Hahaha. Sorry sa mga ibang mommies pero for me napaka ridiculous nun 😅 Mas effective yung papadedehin na lang.

4y ago

agree mommy peru mama ko siya ang mag lalagay ay naku hehehe