Baby's first food

Sinuka ni baby first food nya, mashed squash. Parang nakakaiyak kasi ayaw nya tlga. Niluluwa nya. Icontinue ko pa ba pagpakain ng squash? Dapat daw kasi 1 veggie or fruit lang in a week ang ipakain kay baby. Need help mga mumsh. Thanks.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Sa akin, itong 6mos baby ko, ang una niyang solids ay puréed patatas. Inayawan din niya kasi nga wala naman ngang lasa ang potato as is hahahaha pero pinush pa rin namin for a week. Once a day for a week, pinapakain ko siya ng 1-2 tsp of puréed patatas. Kapag niluluwa niya or inaayawan, tumitigil kami sa pagkain and then we'll try again kinabukasan. Ngayon, 2nd week ng pag-try niya ng solids, kalabasa naman ang pinapakain ko sa kanya. Puréed kalabasa. Mas gusto niya. Walang struggle at all. Hindi pa siya nakakaupo on his own. Naka-buckle in lang siya sa makeshift chair niya (which is a carrier na nakapatong sa mono block) pero he can hold his head steady na and hindi na rin nagthru-thrust out yung tongue niya. May reflex na siya to nibble and swallow. Next week ang ita-try naman namin ay sweet potatoes. Sabi kasi ng pedia niya, one veggie lang per week, 1-2 times a day feeding, at least 2-3 tsp per feeding. Wala daw munang fruits kasi safer ang veggies dahil nabo-boil when prepared. We'll also be trying organic baby cereals like rice cereals since staple food ng mga Pinoy ang rice. Hopefully magustuhan din niya para more more lusog si baby and more more cute and more more healthy! Hehehehehe

Magbasa pa
2y ago

Thanks mumsh! Appreciate this much! Pinush ko rin sa kanya yung puréed patatas, niluluwa nya tlga nung una pero nakasanayan nya rin nung nagtagal. Itatry ko din yung sweet potato 🙂