5 Replies
Sa akin, itong 6mos baby ko, ang una niyang solids ay puréed patatas. Inayawan din niya kasi nga wala naman ngang lasa ang potato as is hahahaha pero pinush pa rin namin for a week. Once a day for a week, pinapakain ko siya ng 1-2 tsp of puréed patatas. Kapag niluluwa niya or inaayawan, tumitigil kami sa pagkain and then we'll try again kinabukasan. Ngayon, 2nd week ng pag-try niya ng solids, kalabasa naman ang pinapakain ko sa kanya. Puréed kalabasa. Mas gusto niya. Walang struggle at all. Hindi pa siya nakakaupo on his own. Naka-buckle in lang siya sa makeshift chair niya (which is a carrier na nakapatong sa mono block) pero he can hold his head steady na and hindi na rin nagthru-thrust out yung tongue niya. May reflex na siya to nibble and swallow. Next week ang ita-try naman namin ay sweet potatoes. Sabi kasi ng pedia niya, one veggie lang per week, 1-2 times a day feeding, at least 2-3 tsp per feeding. Wala daw munang fruits kasi safer ang veggies dahil nabo-boil when prepared. We'll also be trying organic baby cereals like rice cereals since staple food ng mga Pinoy ang rice. Hopefully magustuhan din niya para more more lusog si baby and more more cute and more more healthy! Hehehehehe
do experiment po trial and error ng foods po ang pagpapakain kay baby. may mga babies kasi na ayaw ng purees or mashed. may kilala ako na ganyan din, niluluwa ang mashed/puree. make sure na ready na talaga si baby. di po kasi ibig sabihin na 6mos na ay 6mons na rin ready na. ung iba 7mos. kungbayaw pa ngayon, try again next week. also, you may ask your pedia rin for advice. sa exp ko kasi nagpaalam kami kay pedia and before nya kami binigyan ng go signal sinigurado nya kung ready na talaga si baby :)
Thanks mumsh! 🙂
baka hindi pa mommy ready si baby sa solids, may mga cue signs sila na ready na sila kumain, ung baby ko noon mashed potato first food nya pero parang naduduwal sya, di namin na pinilit then after 2wks, ayun interested na sya sa food, hindi na sya naduduwal halos sya pa humahawak sa kutsara para isubo . also sabi samin ng pedia, every 3 or 5days ang palit ng food. minsan talaga mommy trial and error kung anong food ang magugustuhan nila
Try mo mi sweet potato with milk.. Gustong gusto ni baby ko.. Advise din ni pedia, depende din kay baby kung ano ang mas bet nya na texture, like medyo malabnaw ba or like frothy.. I-try lang daw if ano magustuhan nya. Then every 3-5 days ang pagpalit ng food ni baby para ma check if may allergic reactions ba sya sa specific food.
Thanks mumsh! Appreciate this much! 🥰
Angeline Dayonot Samson