Ano ang FIRST-EVER na sintomas ng pagbubuntis na napansin mo sa iyong sarili?

Naalala mo ba yung moment na bigla kang napaisip kung may baby ka na sa tiyan? Basahin dito kung check lahat sa listahan: https://ph.theasianparent.com/sintomas-ng-buntis
Select multiple options
Food Cravings
Food Aversion
Tender Nipples
Pagduduwal
Delayed Menstruation
Others

1604 responses

73 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wala po akong nafeel nun except sa delayed mens which is normal naman para saken kasi irreg ako. sanay ako di dinadatnan for 2months. both panganay and 2nd baby wala ako nafeel. Walang morning sickness 😅Food cravings kaso kahit di ako buntis dati madalas din ako magcravings lalo pag malapit na ko magkaron. Pero ang pinaka noticeable symptom saken nung sa panganay ko eh masyado akong mahilig sa tulog, antukin ako noon.

Magbasa pa

grabe selan ko sa pagkain halos d ako kumakain ng kanin pero hinilig ko naman fruits and veggies kaya sana healthy dn c baby pag labas 14weeks palang ako ngayon.. pero may duwal duwal pa dn at feeling maacid hilig ko kc sa orange at manggang hinog di ko sure if nkakataas ng acid yan.. after 12yrs ko na nasundan ung bunso ko.. pero grabe selan..

Magbasa pa
2y ago

same po Tayo sis subrang selan ko sa mga pag Kain Ang kinakain ko lng palagi orange at manggang hinog , makaamoy ako ng mga pag Kain nasusuka ako duwal ng duwal

mood swings din pala. naalala ko pa, pinapa attend ako ng meeting at ayaw ko umattend. pero sige pa rin dahil no choice then while in a meeting, akala ko sinisikmura lang ako dahil nagugutom na ako. paglabas ko meeting, noodles pa kinain ko. hahahaha! then apaka sungit ko raw talaga sabi nila 🤣

maselan na pang amoy nung time na di ko pa alam na buntis na pala ako. sobrang selan ko sa amoy ng sasakyan ng friend ko, yun pala iba na 🤭 pero mahiluhin galaga ako sa sasakyan na may mga pabango lalo sa bus ibang level lang talaga pang amoy ko nitong nag buntis ako..😷

Plano talaga namin nun ni hubby saaming first magbaby kaya lagi ko pinagdarasal na sana delayed ako tapos positive yung PT. 1month since wedding eh nabuo na nga si baby delayed 3 days at positive ang PT. We're so excited to meet her this Jmonth of January ❤️

nilalagnat ako pag uwi ko galing trabaho. Unang pumasok sa isip ko mag PT muna ako bago ako uminom ng gamot, nung nagpositive ako bigla gumaan yung pakiramdam ko sa sobrang excite. Binalita ko agad sa mama ko at sa partner ko ❤️

una kong napansin is ayoko sa amoy ng gingisang bawang at sibuyas. sobra hilo ko nun na parang maduduwal na sa sobrang hilo.. pati ayaw ko na ng itlog na scramble. nakakakita palang ako o nakakaamoy umiikot agad tyan ko

Delayed na ako nang 11days, wala akong morning sickness, nauuhaw lang always at medyo antokin. Nag PT ako at 12days, ayon positive. Pinaka masayang pasko namin ng asawa ko😭❣️.

delayed menstration,food cravings,taz sumasakit puson ko..pag umaangkas ako sa motor parang my something sa puson ko..parang my bukol...11 weeks preggy na pala ako nun...

sa pang amoy talaga dun ko napansin napaka sensitive ng pang amoy ko hanggang sa delayed na ako 3 days nag PT agad ako positive

2y ago

same po Tayo sis sensitive din ako sa mga Amoy at ayw ko sa mga pag Kain din nasusuka ako palagi after 1week nag pt ako yun positive nga 😊