Phinga muna sa work to focus magkababy

Sino sa inyo mga momsh ang long time trying to conceive na? Ano yung mga gingawa nyo para hindi na lang masyado maisip yung pinagdadaanang “ganito” ? And since I am long time trying na din, napagdesisisyunan naming mag-asawa na magstop na muna ako sa work siguro within 6mos to focus on myself, iwas muna sa stress, lahat ng klase ng stress specially “workrelated stress”. Para mgkaroon ng time to visit doctor regularly, do checkups regularly. Lahat ng dapat gawin ng isang TTC. #Conceiving #Asking Please help me momsh to grant out greatest wish and hardest prayer to have a child. 🙏 And baka may masusugest pa kayo na ibang pwedeng gawin para malagpasan at makayanan pa namin tong struggle na to.

43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

alm mo sis ako Walang work simula kinasal sinubukan namn Bumuo nakamonitot ung LMP KO MONTHLY regular kasi period ko Tapus ngpaalaga pa ako sa OB pati si mr ko pero as in wlaa parin ..iyak aq ng iyak kapg dumadating si period mobthly hehe.. Walang stress asa bahay lang aq relax relax Nagpray nalang aq na AMA, magaantay nalang ako kung kailan mo ipagkakaloob na magkaanak ako pero sana Regalo mo nlng sya sa bday nmn magkabb na kmi ..tapus wla talaga Parang napagud. na q kakamonitot sa sarili q if mabubuntis ako Nabagot aq sa bahay Araw araw pa ko dati ngppunta da kaplya para magpanata malapit lng kadi dto saamin tas un parang tinanggap q na baka tlga hnd ko kaplaaran maging mommy peo ngatiwala ako sa panalangin ko na bbgay nya rin saamin Ang ginawa ko nag aral aq ulit Tapus nagonline business sabay tapus natanggap aq sa work Grabe nagpakabusy ako Nagaaral nagwowork din Ung Off q Un Araw ng pasok q sa skul madalang kmi mag Do na ni Hubby nung time na yan pero napaguusapan pa namn n sana Magkabb n kmi hehe..tas minsan Busy sya sa kaplya Ngaggaalit aq gusto q try ulit sabi q tas sabi nya Kapag Ibbgay ng Ama yan Ibbgay nya yan..Tas Dko na Tinatandaan ung Araw ng period q basta monthly aq nagkakaroon. tas madalng nga kmi mg Do so ayun na nga Unexpected Blessing Im pregnant 8 weeks 3 days na nung nalaman ko d aq makapaniwala pagbalik q sa ob q Congratulations sabi🥰🥰🥰☺️dami struggles nagresgn aq sa yrabaho sakto nalaman q n preggy aq graduate na ako.ung tirm na exam Toxic preeggy n pala me🥺🥺maselan ako 5mond bedrest bawa ng dios 32 weeks na ako ngayon still hoping praying Na Iregalo n sya saamin bday namin sabay magasawa sa February 6 totoo nga kaht madalang kau mag DO kung ibbgay na ng AMA wlang impossible🥰

Magbasa pa
2y ago

ako sis may pcos.. both ovaries. diagnosed nung 2010. nameet ko hubby ko sa meet and greet sa Phil Arena. last year Feb. kinasal kami. 3months after nag conceived ako. bago pa kamo ikasal nagpapanata na kami na mabigyan ng supling, kasabay ng pagpapanata namin na maging matagumpay ang pagpapakasal namin. ayun.. late ko na din nalaman na preggy ako. 15 weeks na nun. nagPT ako two times, madalas kasi ako maduwal. yung una pt faintline kaya inulit ko kinabukasan, dun malinaw na. nung nag 5months na tyan ko, nagleave na ko sa work. ayun eto.. 38weeks na. hintay na lang maglabor. March EDD ko. ☺️ walang imposible sa pananampalataya. diba nga kahit gabutil ng mustasa, kayang pagalawin ang bundok. kaya tiwala lang talaga sa Panginoon. napaiyak pa ko nun sa OB ko ng makita ko baby ko sa monitor at marinig heartbeat. kasi di ko talaga expected.

matagal din po kami naghintay magkababy, 7yrs po bago siya binigay samin.. to be honest nag give up naku pero diko sinasabi kay hubby kasi hoping pa siya.. dumating ako sa point na pag di magkababy edi okay pag biniyayaan edi okay din.. as in parang wala n ako pakialam.. sobrang stressed din ako sa work pero nung 2019 kakalipat ko lang ng bagong work.. sobrang relaxed ng workplace at may work-life balance talaga.. and mga 3mos after ko makalipat ng work nabuntis ako.. nalaman ko via pt na buntis ako 2 days before my birthday.. and sobrang iyak ko tlaga kasi nahiya ako sa sarili ko tsaka sa nasa taas kasi ang babaw ng faith ko.. para akong sinampal na hindi ako nagtiwala sa perfect timing niya.. now mag 3yrs old na si baby sa january and siya talaga pinakamagandang biyayang natanggap naming magasawa.. mejo madami2 din po pala ako medical conditions na possible reason bakit natagalan ako mabuntis.. may pcos at myoma ako and kakadiagnose ko lng diabetis that same year.. big girl din po ako.. so mejo nagtry din ako maglose weight, tried keto diet for a month or so and even drunk some herbal promoted by jaja bustos (fertility coach nasa fb).. i'm not sure which of those really helped me to get pregnant but i'm thankful i did all of those kasi nagkababy nakami basta keep the faith lang po.. in God's perfect timing mabibiyayaan din kayo..

Magbasa pa
VIP Member

Mi kami ni hubby 7 years bago nag ka baby halos mabaliw aku kakasip naoperahn na din aku twice parng cs din gnwa skin una nung 2017 dahil may cyst aku 2018 ectopic pregnancy tingal ung isa sa tube ko isa nlng pag asa ko kso may scar na sya eh hirp explain eh pero dami nanamn ob last ob ko sa asian hospital na hindi aku tumigil sa wrk ksi pag nasa bahay para akung mababaliw kakaisp and the. 1 day i surrender all to God dati ksi madalis ko natatanong ang dyos bkit kami nag ttampo aku saknya tlga then suddenly nag church kmi ang gnda ng topic and that day sinurender kuna nasabi konnalang ikaw na bahala lord kng d tlga para skin wala ko mggwa and nag plan na kmi ni hubby mag ampon pinag uspan nmn inaayos konna din gusto kasi nmn ligal but after a week bago din kmi umatend ng seminar ng bahay ampunan sa online nalamn ko na buntis aku d aku makapaniwala tkga ito mi manganganak naku sa tuesday heheh grave ma dedelay lang si lord pero ibibigay nya ung pngako nya stin ❤️❤️❤️ Ithink malaking tulong sakin ung accupunture at nag pa gluta aku dami k na kasi ininom na gamot vitamins wala effect eh and isa sa nakatulong na malaki sakin ung acceptance ung injoyin ung life d ko na finocus dun

Magbasa pa

ako 3 years ttc tapos folic acid saka myra e . di talaga ako na buntis kasi stress saka unhealthy mga kinain ko. kaya pina stop ako ni mr mag work tapos nagka pandemic nag work from home si mister which is good para same kami maka pag icip at iwas stress. diet kami pareho iniwasan namin mga unhealthy food, environment,diet kami tapos vitamins, ride² lang , chill, nag hiking.church visit .tapos bumili ako ng ovulation test kit na nag bigay sa akin ng stress kada test ko negative. hanggang iyak nlng ako. umabot din yon ng 8 months . nag dasal ako umiyak humingi ng tawad kay lord sabi ko sa asawa ko pray tayo dalawa baka ito lng hinintay ni lord na susuko tayo sa kanya kasi siya lng ang may hawak ng lahat. tapos nanaginip ako ng bata babae kulot ang buhok bilugan ang mata ang cute sobrang saya ng asawa ko hawak nya. after 2 months early in the morning nag laro² lng ako ng pregnancy test 2 days before sa regla ko kasi dami kung pt eh pinaglaruan ko na. iniwan ko lng sa table pag balik ko solid 2 lines 😍 ang selan pa ng pag bubuntis ko up to 37 weeks bed rest. 4 months old na baby girl ko ngayon. kung ano yong napanaginipan ko dati. baby dust to all ttc .

Magbasa pa

ako mamsh di nag.eexpect non hehe.. pero thru praying din always.. irregular kci mens ko. khit ilang beses non mgtry wala tlaga.. so nag-assume ako na bka nga may pcos ako and i'm showing signs. so kmi ng asawa ko try and try din. tpos naglast mens ako may2021..tpos ntry ko c vitaplus melon gold..try lng wala naman mwwala .at nagkamens nga ako last week ng oct2021..7days. tpos d na ko nagkamens nung nov2021 pero nasakit na puson ko. tolerable pain lng.. mga 5days na ata. tpos svi ng papa ko pcheck up na daw kci nga baka myoma na o ano pa.. ayaw kc mawala nung pain. pagpacheck up ultrasound agad .happy to know na normal naman lhat sa loob hehe. then nag ask c ob bakit hindi ako nagpt.savi ko kesyo d nman ako nag.eexpect doc kc nga irreg mens ko so dun ako nagpt sa clinic. turns out positive c pt ❤️ in God's grace! pero d pa mkita sa ultrasound kc nga an tantya below 5wks. pinabalik ako ni ob after 2 wks don naconfirmed! laki pasasalamat ko hehe. eto na ngayon bby ko..kka-4months lng last nov29 ❤️❤️ pray klang po.. God always hear ❤️🙏

Magbasa pa

Hello! Ganyang ganyan din ung nasa isip ko that time. 3years TTC kami ni Hubby. Nagdecide din ako na magresign para maready ko din ung sarili ko if ever may mabuo na kami. GY shift din kasi ako nun and stressed din sa work kaya diniscuss ko muna kay hubby yung plan ko bago ako magdecide talaga na magresign. Then he agreed naman since para nga din samin yun. Then with God's grace, nakabuo agad kami right after ko magresign :) as in wala pang 1month 😅 laking tulong din talaga ng advise ng OB ko na umiwas sa stress & pressure :) By the way, 2months bago po ako magresign, nagpacheck up din po pala kami ni Hubby sa Infertility OB since may PCOS po ako. Pero sabi po ni OB ko na normal padin naman daw po lahat ng lab tests namin ni hubby. Pinagawa nya po sakin lahat ng test for preggy to check if okay dawnpo ba yung katawan ko to bear a child. Laking tulong din po ng pag-take ng folic acid kahit di pa preggy. After 2 months ng check up namin kay doc, nakabuo na po kami :) baby dust sainyo sis! Tiwala and laban lang! 💪☝️🙏

Magbasa pa

Ako mga mi nakunan ako 2 times because sa stress sa work.. we tried again mabuntis after that I even quit my job para d nko ma stress incase mabuntis ulit.. every month hoping na mabuntis ulit until lumipas ang 1 year hindi na tlga ako nabuntis, inisip ko nlang cguro d na tlga ako mabubuntis baka nasira yung matres ko nung nakunan ako ng magkakasunod. Every month tuwing dumadating ang dalaw ko i feel so dissapointed kc andun na sana eh nalaglag pa tlga. Pero God is so good when I least expect it, nung ng give up na ako sa idea na i will get pregnan again at mabigyan nang kapatip ang panganay ko na 7 years old na, biglang binigay n God. At first d pa tlga na detect sa transv pero na positive na ako sa serum balik daw ako after 2 weeks, then yun na after 2 weeks finally nakita na sya with HB na. Im currently 14 weeks now, double ingat kc natatakot na mawala ulit. Let us keep our faith to God lang mga mi ❤️

Magbasa pa

Blessings comes in most unexpected ways, Mommy. Good thing na naisip mo mgpa hinga muna sa work, to conceive. Ako kasi, 5 years na kasal (2018) , at nag miscarriage ako twice na 2020 at 2021. Akala ko dati, di na ako mka anak kasi bka ako yung may problema kasi lagi ako nakukukunan. Just last year 2022, nalaman ko na buntis ako. At first, natakot ako kasi bka makunan ulit ako or ano. It was very unexpected kasi wala pa sa plans naming mag asawa na mag buntis ako, kasi para makapagpahinga matres ko kasi sunod2x na yung miscarriage ko and I was afraid bka ma ulit uli. Pero, thank GOD at okay kami ng baby ko. I am currently 31 weeks na now at waiting na lang sa due date. Just don’t pressure yourself mommy at try lang ng try at kung pwede ka rin mgpunta ng fertility clinic para mabigyan ka/kayo ng advice or vitamins/supplements. Pray lang din po na mabigyan ng baby. Good luck and think positive, kaya yan!

Magbasa pa

pinagstop ako ni hubby sa work kasi tagtag ako dahil sa nasa healthcare setting ako. lagi daw nyang napapansin na hinihingal, pagod na pagod ako at maaga akong nakakatulog after work kaya naman naawa siya at sumagi sa isip nya na "kaya ko namang buhayin si misis". Ayun pinagresign nya ako haha at sakto naman buntis na ako bago pa ako magresign. i took folic acid with iron and Intra Juice both kami husband 3months before conceiving. Taz nung wala na akong work which is nasa 1st trimester na ako nun, i really took all the rest ive needed gaya ng pagtulog sa hapon together with prenatal vitamins and anmum para maging healthier kc napaka critical ng 1st trimester sa developing embyro/fetus. Laboratory results were looking good and now 33 weeks pregnant. Best decision ever made na magresign, naging mas happier kami ni hubby kasi magkakaron na kami ng little one at 33yrs old 💖

Magbasa pa

ganitong ganito kami mamsh, we lost our hope na nga e. 9yrs mgksama. noon lahat gngwa namin pra mgkaanak as in! hanggang s umabot nlng 2021 sb ko sa srili ko last yr nto mg eexpect ako kung wala wala tlga baka ndi ako pra mgkaanak pa kc my pcos ako and timbang ko is 80kls. ndi ako ngddiet, sabi ko sa srili ko 2022 mag aampon nalang kami so i can mine kahit hindi na galing skin basta baby. not until november sanay naman ako madelayed irreg ako e. malakas p kmi uminom mg asawa. bgla ko nlng naisip mg pt ng gbi super labo halos dpa ako maniwala. december ko na halos naadmit s srili ko buntis nga ako. and now we have 7month baby boy. kay lord mo po ipag ktiwala ang lahat mamsh, i know someday ibibigay nya kung ano desire ng puso mo ♥️ ingat always. ps. mamsh nagtake kmi nu hub ng paragis po for 2mons. at ayun nga buntis ending 😂

Magbasa pa