Goiter during pregnancy

Sino pong mga buntis dito now or nabuntis before na may thyroid problem po? Kamusta po baby niyo and yung delivery niyo? Dalawang OB na po kasi nag-advise sa akin na need kong iconfine until manganak dahil taas baba ang blood pressure tsaka heart rate ko. Kapag umiinom ako ng Propanolol ay naiistable stats ko pero sabi ng endo kasi bawal ako uminom nun kaya ang advise is iconfine nga ako. Yung ipon namin para sa delivery ko ay mauubos lang sa pagkaconfine ko if ever. Naghehealthy diet na din ako para hindi mangyari yun. Gusto ko lang sana malaman if may mga tulad din bang case sa akin. Thank you mga mamsh!

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nagpa lab test na po ba kyo pra sa goiter at postive po tlga?

5y ago

Hello po. Yes po positive na talaga. Aside from OB, may doctor na din ako na endocrinologist.