Oct 22 na EDD

Sino po kasama kong naghihintay jan? Wala parin pong senyales. Kahit 2 days before the due date na ako. 2 weeks na akong naka hyoscine at 3 days na sa primrose ,wala parin. Ilang bottle na ng pineapple, nag sili , nag walking, akyat baba sa hagdan, nag Do kay mister. Pero wala parin. Close parin cervix.. Super nakaka worry na talaga, ang hirap sabihing mag relax kapag ganito ang sitwasyon. Gusto ko nalang mag pa CS.😭 Palakasin niyo po kalooban ko.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi! 39 weeks na ako same situation po tayo. No signs of labor. Lahat na ata ginawa ko same sa iyo. 1week na on primrose, lakad, maanghang na pagkain pero still 2weeks na on 1cm. >_< takot din akong ma CS huhu pero sabi nung OB ko meron pa nmn allowance na 2 weeks past nung due date mo. Patience is a virtue sabi niya sakin. Prayers momi! And tiwala lng sa katawan nyo po na makakaraos ka rin!

Magbasa pa