Telling the truth...

Sino po dito yon first pregnancy na biglaan na lang nabuntis ng hindi kasal. Paano nyo po nasabi at paano nyo po nasimulan sabihin sa parents nyo? Pahelp naman po. Thanks!

67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po. Nalaman kong preggy ako, 1 week after ilibing ng mama ko. I was supposed to have my menstruation nun pero 1 week akong delay and ayun napaPT ako, positive. To confirm nagpacheck up din ako. I was 6 weeks pregnant during that time. Hindi ko alam mararamdaman ko nun kasi kakawala lang ng Mother ko and then may dumating. So sabi namin ng partner ko, baka binigay to ni Lord kapalit ng Mama ko hehe. Nalaman ng pamilya ko and kahit nadisappoint sila, tinanggap nila kasi wala nang magagawa andyan na eh. Take note, sobrang strict ng lola ko kaya sobrang kabado kami ipaalam. We are legal naman on both sides and okay naman sa family. Nakapagtapos na rin and nagwowork. Sa family nya walang naging problem kasi gusto na talaga nila magkaapo 😂 Pag usapan nyo agad ng partner nyo mga plans nyo para sa baby and para sa inyo (syempre para makita ng parents nyo na ready kayo to take the responsibility) and I suggest na sabihin nyo kaagad mamshie kahit mahirap kasi di nyo naman matatago yan. Masasaktan nyo talaga parents nyo pero at the end of the day, matatanggap din nila yan and sila pa mas excited sayo manganak 😊Masarap din sa feeling na hindi tinatago pagbubuntis. Pag tanggap na ng family nyo, dedma ka na sa mga chismosa lol basta provide the best life para sa anak nyo para kahit ichismis, ganda ganda lang ganern. Kaya nyo yan mamsh!

Magbasa pa