Telling the truth...
Sino po dito yon first pregnancy na biglaan na lang nabuntis ng hindi kasal. Paano nyo po nasabi at paano nyo po nasimulan sabihin sa parents nyo? Pahelp naman po. Thanks!

2 months na akong pregnant nung nasabi ko. Nagchat lang ako sa nanay ko na pupunta sa bahay namin ang pamilya ng bf ko kinabukasan. Hindi ko diretso nasabi na buntis ako. Kaya nagchat sya sa bf ko, yung bf ko na nagsabi na buntis ako. Yung tatay ko nalaman lang na buntis ako nung araw na pupunta dito sa bahay yung pamilya ng bf ko para mamanhikan, namura ako ng isang beses sa telepono para daw syang binuhusan ng malamig na tubig at nanghina bigla. Umiyak ako pero okay naman no regrets. Natanggap naman ng nanay at tatay ko kasi nadito na si baby. Tsaka graduate na ako at nakapasa sa board medyo nasa tamang edad na, 22 yrs old pero minsan isip bata pa rin. Ngayon, nadito ako sa bahay namin. Wala namang nagbago sa turing nila sakin katulad pa rin ng dati. Siguro kasi nag iisa akong anak na babae. Hindi kami nagsasama ng bf ko. Kasi nasa malayo rin naman sya minsan lang umuwe.
Magbasa pa

