Telling the truth...

Sino po dito yon first pregnancy na biglaan na lang nabuntis ng hindi kasal. Paano nyo po nasabi at paano nyo po nasimulan sabihin sa parents nyo? Pahelp naman po. Thanks!

67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maraming salamat po sa question na to. Kaso kasalukuyan pong kailangan ko ng ganitong pampalalas ng loob. mag3mos na si baby ko pero di ko padin nasabi sa tatay ko. Pero alam naman ng nanay at kapatid ko. Kaso tatay ko, alam ko na magwawala yun dahil ayaw na ayaw niya sa bf ko. 25years old na ko. Di ko alam paano, kelan, ano ang sasabihin ko. Pero handa ako kung sakaling iiwan niya kami, kasi dati niya pa yun sinasabi samin nila nanay, na iiwan niya kami. or papalayasin niya ako, o di niya tatanggapin tatay ng anak ko. sobrang daming kong naiisip na pwedeng mangyare, sabi ko nalang sa sarili ko na, expect the worst nalang para di na ko masasaktan at mabibigla kung ganun ang mangyayare. mabibigla pa ko kung matatanggap niya kami, kasi yun ay imposible talagang mangyare. Isama niyo po ako sa prayers niyo, at muli, salamat po sa poll na tayo. GOD BLESS US ALL.

Magbasa pa