?
Sino po dito ung mga nakatira sa mga biyenan nila?
Share ko lang po Hirap at pagod na pagod na kasi ako makisama at makibagay sa biyanan ko.mga kapatid ng kinakasama ko bali 6 sila lahat yung 2babae nasa abroad at yung kinakasama ko bali ang naiwan dito sa bahay dalawang binata at isang dalaga .1 apo at yung biyanan na babae at lalaki .lahat sila need kong pakisamahan.halos 1year na kami ng anak ko nakatira sa bahay nila kasi yung tatay ng anak ko nasa taiwan siya now dun siya nagwowork kaya naiwan kami ng anak ko sa poder ng mga magulang niya.Ang gusto ko sana bumukod ng bahay kaso hindi pabor sa ama ng anak ko ang gusto niya na dito parin kami ang sabi niya sakin magtiis lang ako until matpos kontrata niya 3years kasi siya doon.Para daw matupad yung dream house namin .Di na po kasi tlga ako makapag antay gawa po ng pag ugali ng nanay niya.sakit lagi ng ulo ko araw araw .Biyanan ko po na babae kasi may ugali siya na diko gusto una sa lahat na ayaw ko pakialamera .lahat pinapakialaman niya about sa pagpapalaki ko sa anak ko lagi siya nasusunod feeling ko tuloy para akong katulong na sinasabihan.pinaparamdam niya sakin na wala akong kwentang ina sa mga pananalita niya .sobrang sakit sakin yun .sobrang masilan pa gusto niya lagi malinis ang bahay para na nga ako katulong sa bahay nila ako halos araw araw naglilinis kasi nakakahiya naman kung dika kukusa kasi nga nakikitira lang ako pero sobra din naman sila di man lang sila makiramdam na napapagod din ako .mga kapatid kasi ng kinakasama ko mga burara .di marunong magkusa sa gawaing bahay kaya ako lahat nagkukusa dahil oras na di ako tutulong sa gawaing bahay di nila ako maalokan kapag kakain sila .di nila ako papansinin.Paparinggan ako ng biyanan ko na babae na walng kusa maganda lang pakikitungo niya sakin kapag nakapaglinis na ako ng bahay maganda mood niya sakin siya lang tlga sakit ng ulo ko dito sa bahay. May time kasi na di tlg ako nakilos dito bahay gawa ng napapagod din ako maya maya dumi .ang hirap pa sa kalooban ko yung minsan napapabayaan ko na anak ko dahil sa gawaing bahay .ni wala akong oras na turuan siya about book paano magsalita paano maglakad 😭😭😭 one year na baby ko now pero unti pa lang alam niya.sobrang damot pa biyanan ko babae pag may package na pagkain or stock na pagkain di man lang niya ako maalokan oh bigyan .ako pa naman ayaw ko yung nanghihingi ugali ko antay ako kung kelan ako abutan .pag may stock din na needs sa bahay or sa sarili ko like sabon shampoo lahat. Yan nakatago feeling ko wala akong karapatan kumuha khit na alternate sila ng kinakasama ko at dalawa niya kptid na nsa abroad din nagpadala ng buwan buwan na allowance dito sa bahay .minsan nga nasisiraan pa sila ng pagkain dahil sa kadamutan.lahat ng problema ko dito sa bahay alam ng kinakasama ko pero di niya ako pinapakinggan sa gusto kong bumukod ang sabi niya lng sakin magtiis at mahalin ko mga magulang niya 😭😭😭hirapan na po kasi ako pero mahal ko asawa ko kaya nagtiis ako .gusto ko na umalis dito bahay kaso pag umalis naman ako mahihirapan ako akuin ko responsibilidad sa ank ko kasi puputulin niya sustento kapag umalis kami dito.Payuhan niyo naman po ako sa ano dapt kung gawin 😭😭😭😭
Magbasa paHaaaayyy.. Mahirap talaga ang nakikitira sa kahit na anong aspeto mapapamilya man, kamag-anak, INLAWS, kakilala, kaibigan lahat yan kailangan mong makisama.. Pakikisama sa abot ng gusto nila at hindi sa kung saan lang ang gusto mo kundi duon sa gusto nila at kapag hindi mo yun naabot or naibigay.. Ayan na, diyan na magsisimula ang pag-away away at hindi pagkaka sundo sundo. Kaya maganda pa din talaga ang sariling bahay. Payo ko ito sa mga kababaihan kung makinig maganda kung hindi okay lang... Sa pag-aasawa bago bumuka piliin ng maayos ang mapapangasawa kung hindi nyo feel ang may kaya ksi hindi kayo ganun kahit man lang sa paguugali at pagiging responsible hanapin nyo, pangalawa bago bumuka unahin nyo na muna ang magka bahay pra kung magkabuntisan at may mabuo hindi nyo problema ang tirahan dahil may sarili kayo. Pangatlo wag nyo kalimutan magpakasal pra lahat legal pti sa mga properties. Pang-apat dapat pareho kayo or atleast yung isa may matinong trabaho na kaya ng bumuhay just in case hindi kaya nng isa. Pang lima at huli, Maguumpisa ang lahat sa pagpili mo ng mapapangasawa. Ikaw ang magtatakda ng lahat kaya magiingat at pagiisipan ng mabuti.
Magbasa paNever ko pa naranasan makitira sa biyenan pero vacation minsan once a year at mabait naman ung byenan ko pag dumadating nga kami ang daming niloloto ang byenan ko ng food d mapakali sa kakaprepare or linis ng linis kaya napapagalitan ko haha 😂 sabi ko nagpahinga siya kaya kami umuwi para makasama namin sila eh halos d namin makausap kc ikot ng ikot sa kusina d tumitigil sa kakalinis tinutulungan ko siya pero minsan tinatawag din ako kaya naiiwanan ko siya syempre bisita kami marami gusto makipagusap.. May 3 manugang naman siya na nandun sa kanila ung 2 paminsan minsan nakikitira sa kanila ung isa may sariling bahay at malapit sa kanila pero iwan ba kung bakit ganun ung mga manugang niya na nandun hinahayaan lang siya sa mga gawain kaya apag andun ako tinutulungan ko siya.
Magbasa paako po pero thanks God sobrang wala akong naging problema sa mga biyenan at inlaw ko, close silang lahat sakin, lalo na ngaun buntis ako first apo nila kaya din siguro alaga nila ako, pero kahit nung hindi pa naman ako buntis ganun na sila sakin, mga biyenan q din ang ng push samin ng asawa ko na mag pakasal last year dahil wala na akong Parents both, kaya sabe nila para di naman ako dehado at baka sabihin ng Parents ko sa langit na di man lang ako mapakasalan, aun tumulong sila sa asawa ko sa gastos sa kasal para mangyari ung kasal na pangarap ng bawat babae kahit na wala akong work.
Magbasa paAt kinasal dim kme ng asawa sila rin gumstos, aa in super alaga ako sa gmit pagkain pero lumbas bby ko my mga disagree ako na gusto nya sa bata at yun nga nwawalan ako mg oras sa anak ko kse kinukuha nya sakin lagi, prng d ko makulit anak sa khit anong oras na gusto ko,
Meee. And I can say na napakaswerte ko sa biyenan ko. Pag nag-aaway kami ni hubby ako lagi kinakampihan haha. Lalo na pag may pinagseselosan ako, talagang sasabihan nya ako na "wag kang paapekto, tandaan mo maganda ka, nakapagtapos ka, nurse ka, may gwapo kang baby, walang makakapantay sayo". Haaaaay. Sarap sa feeling. Nakahanap ako ng bagong mama. ❤
Magbasa paSa byenan ko rin kami nakatira ngayon. Sa simula hindi maganda yung treatment, ero habang tumatagal gumaganda ang naging flow ng relationship namin ni MIL. Happy ako kasi nakikita na nya yung alaga na ginagawa ko sa family namin at sa kanya rin mismo. Thankful talaga ako sa Lord dahil kahit rough start e umokey kami ng inlaws :)
Magbasa paMe ✋ Ok naman kahit papano kahit nakikitira kami sa papa niya, btw wala na ang mama niya pero meron siyang stepmom.! Mahirap kumilos kapag nakikitira lang kayo mas maganda parin kung may sariling bahay
Ako, sobrang hirap pag may byenan kang lahat ng gawin mo mali. Yung akala mo okay kayo yun pala sinisiraan ka niya sa partner mo. Yung byenang harap harapang pinapamuka sayo na di ka niya gusto.
Never :) bukod agad kami sa kanya kanyang pamilya when we found out I was pregnant. I'm a working student btw. Kastress kasi makisama and we can afford naman to rent.
Sobrang hirap makisama sa mga inlaws kaya nga dpt bago mag asawa pinag uusapan na yan eh. Lalo if alam nyo naman na panget ugali ng mga in laws nyo.