?
Sino po dito ung mga nakatira sa mga biyenan nila?

Haaaayyy.. Mahirap talaga ang nakikitira sa kahit na anong aspeto mapapamilya man, kamag-anak, INLAWS, kakilala, kaibigan lahat yan kailangan mong makisama.. Pakikisama sa abot ng gusto nila at hindi sa kung saan lang ang gusto mo kundi duon sa gusto nila at kapag hindi mo yun naabot or naibigay.. Ayan na, diyan na magsisimula ang pag-away away at hindi pagkaka sundo sundo. Kaya maganda pa din talaga ang sariling bahay. Payo ko ito sa mga kababaihan kung makinig maganda kung hindi okay lang... Sa pag-aasawa bago bumuka piliin ng maayos ang mapapangasawa kung hindi nyo feel ang may kaya ksi hindi kayo ganun kahit man lang sa paguugali at pagiging responsible hanapin nyo, pangalawa bago bumuka unahin nyo na muna ang magka bahay pra kung magkabuntisan at may mabuo hindi nyo problema ang tirahan dahil may sarili kayo. Pangatlo wag nyo kalimutan magpakasal pra lahat legal pti sa mga properties. Pang-apat dapat pareho kayo or atleast yung isa may matinong trabaho na kaya ng bumuhay just in case hindi kaya nng isa. Pang lima at huli, Maguumpisa ang lahat sa pagpili mo ng mapapangasawa. Ikaw ang magtatakda ng lahat kaya magiingat at pagiisipan ng mabuti.
Magbasa pa


