?

Sino po dito ung mga nakatira sa mga biyenan nila?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lang po Hirap at pagod na pagod na kasi ako makisama at makibagay sa biyanan ko.mga kapatid ng kinakasama ko bali 6 sila lahat yung 2babae nasa abroad at yung kinakasama ko bali ang naiwan dito sa bahay dalawang binata at isang dalaga .1 apo at yung biyanan na babae at lalaki .lahat sila need kong pakisamahan.halos 1year na kami ng anak ko nakatira sa bahay nila kasi yung tatay ng anak ko nasa taiwan siya now dun siya nagwowork kaya naiwan kami ng anak ko sa poder ng mga magulang niya.Ang gusto ko sana bumukod ng bahay kaso hindi pabor sa ama ng anak ko ang gusto niya na dito parin kami ang sabi niya sakin magtiis lang ako until matpos kontrata niya 3years kasi siya doon.Para daw matupad yung dream house namin .Di na po kasi tlga ako makapag antay gawa po ng pag ugali ng nanay niya.sakit lagi ng ulo ko araw araw .Biyanan ko po na babae kasi may ugali siya na diko gusto una sa lahat na ayaw ko pakialamera .lahat pinapakialaman niya about sa pagpapalaki ko sa anak ko lagi siya nasusunod feeling ko tuloy para akong katulong na sinasabihan.pinaparamdam niya sakin na wala akong kwentang ina sa mga pananalita niya .sobrang sakit sakin yun .sobrang masilan pa gusto niya lagi malinis ang bahay para na nga ako katulong sa bahay nila ako halos araw araw naglilinis kasi nakakahiya naman kung dika kukusa kasi nga nakikitira lang ako pero sobra din naman sila di man lang sila makiramdam na napapagod din ako .mga kapatid kasi ng kinakasama ko mga burara .di marunong magkusa sa gawaing bahay kaya ako lahat nagkukusa dahil oras na di ako tutulong sa gawaing bahay di nila ako maalokan kapag kakain sila .di nila ako papansinin.Paparinggan ako ng biyanan ko na babae na walng kusa maganda lang pakikitungo niya sakin kapag nakapaglinis na ako ng bahay maganda mood niya sakin siya lang tlga sakit ng ulo ko dito sa bahay. May time kasi na di tlg ako nakilos dito bahay gawa ng napapagod din ako maya maya dumi .ang hirap pa sa kalooban ko yung minsan napapabayaan ko na anak ko dahil sa gawaing bahay .ni wala akong oras na turuan siya about book paano magsalita paano maglakad 😭😭😭 one year na baby ko now pero unti pa lang alam niya.sobrang damot pa biyanan ko babae pag may package na pagkain or stock na pagkain di man lang niya ako maalokan oh bigyan .ako pa naman ayaw ko yung nanghihingi ugali ko antay ako kung kelan ako abutan .pag may stock din na needs sa bahay or sa sarili ko like sabon shampoo lahat. Yan nakatago feeling ko wala akong karapatan kumuha khit na alternate sila ng kinakasama ko at dalawa niya kptid na nsa abroad din nagpadala ng buwan buwan na allowance dito sa bahay .minsan nga nasisiraan pa sila ng pagkain dahil sa kadamutan.lahat ng problema ko dito sa bahay alam ng kinakasama ko pero di niya ako pinapakinggan sa gusto kong bumukod ang sabi niya lng sakin magtiis at mahalin ko mga magulang niya 😭😭😭hirapan na po kasi ako pero mahal ko asawa ko kaya nagtiis ako .gusto ko na umalis dito bahay kaso pag umalis naman ako mahihirapan ako akuin ko responsibilidad sa ank ko kasi puputulin niya sustento kapag umalis kami dito.Payuhan niyo naman po ako sa ano dapt kung gawin 😭😭😭😭

Magbasa pa
6y ago

Umuwe k muna sainyo kung ako tlga uuwe ako nyan sa ayaw at sa gusto nya, asawa nya ko intndhin nya ko , ipaintndi mo sa asawa mo yan , hirap mgtiis huy , pra d sila maoofend sabhin mo namimiss mo sainyo dun muna ikaw. Ako nga hirap din kse every 2 weeks salitan sa mama ko at pmilya ng asawa ko hirap pblik blik gusto ptob ko nmn gusto ko mgstay permanent