Quatrofol...

sino po dito umiinom neto? Ilang months na po kayo nainom neto?

Quatrofol...
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Me po, 9 weeks and 6 days old na si baby. Pero nag-start lang po ako uminom after first check up ko with OB 'nung Saturday, May 28. So almost one week na po ako umiinom and based po sa prescription ni OB, max of 90pcs po 'yung pwede kong bilhin.

mas mabisa poba yan sa trying to concieve kesa sa folart. folart at omega 3 po iniinom ko.help me naman mga sis.nkaka sad kala ko madedelay n ko ng 1wik un pala 1 day lang..gusto ko ng mag ka baby ulit.15 yrs old na anak ko 44 n ko dis year😔😔😔

me po yan yung folic acid na niresita ng doktor ko nung nag pa fertilitu check up kami ni hubby 1 month ako na uminum niyan.and now buntis na ako 8 weeks na sya yan pa din yung folic acid na iniinum ko

ako po.. pinainom na ko ng OB ko nong sinabi ko na we are trying to get pregnant and until now na pregnant ako yan pa rin iniinom ko. So, mga 4 months na ko nagtatake nyan.

2y ago

hindi po ako sure kc di ko pa natatry ung folart eh

Uminom po ako nyan. Mga 10days lang po. Sabi po dun sa binilhan namin, food supplement po yan. Kaya nagpalit po ako ng Folart. Maganda daw po kasing Folic Acid yon.

nung una po kc na reseta sken e. folic acid folistar tas sunod na to na pang 1 buwan na inuman na dw . kaso biglaan ko uwi ng probinsya kaya d nko nakapunta sa ob ko.

TapFluencer

Ako po 1st and 2nd trimester ako uminom niyan as advised by OB. Then by 3rd trimester, pinalitan na niya yung vitamins ko ng Obimin Plus and Iberet Folic 500.

ayan din brand ko 1st trimester ko iniinom ko 13 weeks na ako till now iniinom ko parin gang 30 days idk after june 18 kung papalitan n nya.

TapFluencer

ako po 7months na, simula november yan na iniinom ko hnggang nung nbuntis ako nung march, 13 weeks preggy po and yan pren po iniinom ko

ako mi. since nakunan ako after nun pinainom na ako ni ob ng ganyan up to now na buntis na ako ulit I'm 10 weeks 4 days nang preggy.