Subchorionic hemorrhage
Sino po dito nakaranas ng Subchorionic hemorrhage? Meron po kase ako , 2 weeks bed rest tapos progesterone yung binigay ng OB ko..pero d ko po talaga maiwasan na mag worry :(
Me 10weeks ako when I found out I have it. 2 weeks total bed rest and follow lang ng prescribed ni OB hehe after 2 weeks pinag utz niya na ko at 13weeks, pagkita wala na. and ngayon 25weeks na ko and healthy si baby💙
2x a day akong nakaduphaston and no sex ang advised ni OB sa akin kasi baka daw makunan ako. And Luckily safe na si baby ngayon. Umokay na. Truat your OB. Nagpacheck up ka pa kung wala kang tiwala sa kanya
Meron din ako nyan nung 1st tri nag duphaston ako 42 pcs tapos transv ulit mejo nabawasan kaya heragest naman. Di naman ako full bed rest pero di lang ako nagkikilos. Ngayon 38 weeks na ko bukas.
1 month akong nagkaroon ng ganian, nawawala din naman po basta sumunod lng kay OB. bedrest, no contact kay hubby at inum ng bnigay na gamot. wag ka po magpastress. magiging ayos din po yan.
nagkaganyan din po ako nung first trimester ko, sundin lang po lagi ang payo ni ob at magtake ng proper medications para po mawala ang inyong hemorrhage.. at syempre prayers po lagi..
Full Bed Rest mommy. wag ka masyadong magkikikilos. Inuman mo yan ng nireseta s u ng Ob na pampakapit. Wag ka masyadong mag worry, pray ka lang mommy. 🙏🙏
ako din totally bedrest din.... 2x na ako nag spotting... bawal travel bawal din mg lalakad... at take lng ng gamot... 12week pa lng akong buntis mommy...
mawawala din po yan mommy... basta sundin lng sabi ni OB.at huwag kalimutan ang gamot.... sa akin nawala naman...ng nag pa ultrasound kami ulit..
follow ur OB bedrest at wag k din magbubuhat ng mabibigat tpos drink ung medicine n prescribed ni OB, after po nian magiging okei n 😊
Madami din naman pong high risk. Just strictly follow your ob's advice. Lalo yung pampakapit. Sobrang helpful po nun.