About sugar
Sino po dito nakaexperience mataas ang sugar habang buntis. Ang taas po kasi ng sugar ko sabi ng Ob ko pinamonitor nya araw araw I'm 5 months pregnant. Di naman po ako mahilig sa matamis... Ano po ginagawa nyo para magiNg normal ang sugar nyo.. thanks sa sasagot ?

Hello mommy. Ako nung buntis may gestational diabetes. Nag self monitoring ako for 2 weeks at kung hindi bumaba, mag insulin daw ako. 5 months tyan ko dat time. Tapos after 2 weeks, bumaba naman sya. Pero continues ko pa din ang diet at monitoring ko hanggang sa nanganak ako. Ang ginawa ko, nag switch ako ng brown rice, brown bread yung low G.I na bread. Tapos kung gusto ko ng pasta or noodles, yung mga may high fiber din. Iwasan mo mga sweets at any kind of pastries. Tapos sa fruits, iwasan mo mango, watermelon at grapes. Tapos mga artificial drinks. Kung gusto mo may ma papak in between meals, bili ka ng mga peanuts. Yung original flavor. Water ng water yun lang. Tapos maglakad lakad ka after meal. Nakakatulong yun sa pagbaba ng sugar mo before test.
Magbasa pa