βœ•

175 Replies

Guilty ako jan. Every night kinakausap ko baby ko and nag pipray kay God na sana okay xa. Due to ECQ wala kami maayos na check ni baby ko. Sarado mga OB clinic sa lugar namin at di naman ako maka punta sa center kasi di ko rin sure kung bukas. Nangangamba na nga ako sobra kung okay lang ba sya or kung may ginagawa ba akong mali or kung may heartbeat ba sya. Paranoid ako minsan. Nakaka relieved lang na malaman di ako nagiisa. Let's pray na matapos na ito para mapanatag na tayong lahat.

Ako. NakapagpaCAS naman na. Sabi ng OB normal naman lahat. Bibilangin ung fingers nya sa kabilang kamay, hindi mabilang kasi possible daw na nakahawak sa tenga. Saka may iba rin kasi na normal sa lahat ng result ng utz at CAS paglabas saka may makikitang abnormalities. Dinadaanan ko na lang sa prayers ang lahat. At alaga sa sarili.

❀️❀️

Normal lang po mag isip ng ganun ang isang buntis. Kasi di natin masabi kung may pag kukulang ba sya or may nainum sya na di dapat inumin kaya nakakapag isip sya ng ganun. Merun nga dito hindi nag iisp ng ganyan pero nung nag pa cas saka lang nakita may kumplikasyon ang baby eh kaya normal lang yun.

VIP Member

Ako po kc nag brown discharge ako at di pa nakapagpa ultrasound kc sarado, dlikado sa hospital kung dun kc my mga infected na naadmit. lge ko yun na iisip kung ok ba sya, kung buo na ba, kung my heartbeat naba. lahat yan, knakabahan ako peru pinagdadasal ko nalang na sana ok sya at healthy. πŸ™

Same here, jusko paranoid ako kakaisip if okay lang sya how is she doing? kumpleto ba lahat ng parts nya sa katawan? minsan napipitik na ako ng nanay ko kakatanong ko kung ano na kaya si baby hahaha. πŸ˜‚πŸ˜‚ Lahat tayo worry pero iwas na kase feel nyang stress tayo kakaisip masama yun

Same. Ako lahat na ata ng Santo tinawag ko na.. pati pix ng Daddy at grandma ng LIP ko kinakausap ko na na iguide kami ng baby ko para maging normal, healthy at walang defect si baby. As in ine-specify ko talaga.πŸ˜… Nakukulitan na siguro sila sken.πŸ˜‚

Me!! FTM here, sobrang paranoid ko. Lagi ko kinakausap si baby na magpahealthy sya. Lagi din ako nagppray na sana healthy and normal si baby. Sobrang kapraning minsan natatagtag aki sa byahe. Once ko pa lang din sya nakita via ultrasound haha.

Me. First tri ko ngwwork pko nun sa work ko my usok ng yosi ako nalalanghap. Pero now resigned nko. Bedrest nalang kami ni baby. Nagppray lang ako lagi na sana normal and healthy sya ☺️ going 5months na and ang likot likot nya na 😁😁

-ako momsh ganun po.. May 2 son na po ako, during may entire pregnancy ilang beses yan pumasok sa isip ko, taz pagkapanganak po check ko agad kung wala ba problema physical appearance nya, kung kumpleto ba.. 😊😊😊 normal siguro yun..

Ako nga sis iniisip baka mentally and physically disable si lo ko dahil 42 yo na ako at 14 yrs pa ang gap nila sa panganay ko. Sa awa ng Diyos ok naman xa. Wla din probs sa nbs nya. Pray lang ako ng pray everyday. Pray ka lang.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles