32w1d

Sino po dito di maiwasan ang pamamanas? Halos everyday ako naglalakad lakad. I even drink lots of water. Di ako nagskip sa paginom ng vits. Mahilig ako sa banana(hilaw, turon, maruya, saging con yelo). I always elevate my feet whenever i sit or pag matutulog na Di ko maiwasan magworry. Im doing the best i can kaso napagod lang ako ng konti yesterday then pagcheck ko sa paa ko, manas na sya. Anyone who experienced the same thing? Ano kaya remedies na ginawa nyo? Next week pa kasi balik ko kay ob. Medyo may paninigas yung tyan at sumasakit tagiliran ko pag napapagod pero wala naman hilab at spotting. Tia

32w1d
57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dependi siguro, kasi ako from the start tag2x sa biyahe at sa lakad, hindi naman ako nag manas.34weeks and still working keri pa naman.normal naman na tumitigas ang tiyan basta gumagalaw daw si baby..walang dapag ikabahala..mawawala nalang siguro yan.

Nanganak ako ganyan Ang paa ko..sabi ng midwife pag tumaas bp ko baak ako.. di naman ngbabago bp ko. Kaya normal delivery ako, sa kalalakad daw yun tapos di nag eelevate ng paa dapat lagi nakataas Ang paa pagtulog sa unan, effective din daw monggo .

hi sis, normal lang ang pamamanas sa paa lalo na malapit na tayo manganak, basta make sure to watch out kung pati face at kamay e magmanas and always check ur bp. lots of water lang din ska iwas n muna sa maalat at matamis

Less salt na food po. And if kaya nyo po. Lakad kayo sa semento na mainit ng nakaapak. Lalo na pag morning. Di naman kailangan matagal basta mainitan ang talampakan nyo. Ganun kasi ginawa ko nung minanas din ako ng todo

Nagmanas ako ng 26 weeks, ang gnawa ko po aside sa paglalakad dipo ako.masyado kumain, tinapay lang po na wheatbread then wala pong maalat, tas fruits lang for 2 days, unti unti naman pong.nawala 29 weeks nako ngaun...

ako sis pinaglakad ako ng lola ko sa kalsada ng barefoot ng 11 AM.. nakakawala daw kasi yun. natawa ako nung una pero parang nakatulong sya. hindi na ko namanas. or baka nagkataon lang 😂😂😂

Mamayang gabi taas mo yung paa mo sa unan. Dapat by morning, walang manas. Yan sinabi ng OB ko sa akin. Lahat ng maalat, iwasan mo. Kung bukas paggising mo may manas pa rin, balik ka sa OB mo.

VIP Member

Di ako naglalakad pag morning momsh. wala naman akong nararanasang pamamanas. Iwasan mo na lang siguro yung pag basa lagi ng paa. or wag mag babad sa tubig kapag kakatapos mo lang mag lakad.

Nagmanas ako during my 37th week. Akala ko di na ako magmamanas pero nagmanas pa din kahit malakas ako sa water. Iwas iwas sa maalat and elevate lang since sabi mo malakas ka din sa water.

VIP Member

Imassage mo every night mommy. Ung upward position mommy para mawala ng paonti onti ung pamamanas. Effective naman sya sakin nung ginawa ko sya. Nawala ung manas ko ngayon. 37 weeks na ko 😊

5y ago

No problem mommy 😊