Yung tahi ko bago ako lumabas ng hospital yung ob ko ang nagpalit ng dressing ng tahi ko. Nilagyan nya ng cream tapos gasa and may nilagay syang parang plastic isang buo sya nakadikit sya sa buong puson ko. Yung plastic parang isang buong sticker sya. Tapos nilagyan ulit ako ng binder. Then siguro mga 2 weeks bumalik ako sa ob ko at sya ang nagtanggal nung plastic na nakadikit sakin then ginupit na yung pinakabuhol ng tahi sa magkabilang dulo. Tapos ayun wala na nilagay pero naka binder pa rin ako. Tapos nung umuwi na ko everytime na maglilinis ako ng katawan ko nilalagyan ko lang ng cream yung pinaka tahi tapos sinasapinan ko sya ng malinis na lampin tapos binder ganun lang never akong gumamit ng mga betadine or ng kht ano. After 1 month inalis ko na binder ko, 2 months na sya sa feb 23.