125 Replies

10-10edd....... March 2 hanggang ngayung half ng april halos di nila ako makausap dahil hirap ako suka ng suka lagi pero ayaw ko kumain..... Iritable at laging sinisikmura pag kakain o iinom susuka ko din.... Nasakit lahat halos ng katawan ko(buti andyan daddy ni baby at hinihilot ako) pero nitong mga nakaraang araw medyo keri na ang pagsusuka halos wala na nga din wag lang ako talaga makaka amoy ng ayoko.... Di ko alam kung naglilihi pa nga din ako up to now kasi ayoko ng amoy ng kape, pritong isda, kung dati mapili ako sa pagkain MAS mapili ako ngayun... Kahit ang ginagamit ni daddy sa kilikili ayoko maamoy ayun tawas tuloy muna sya😂😂😂😂 at isa pa ayoko binabasa buhok ko ewan ko ba... Siguro sa isang linngo isang beses ko lang sya binabasa(tapos blower agad) ... Puro halfbath lang ang peg ko...

Wow buti ka pa gusto amoy ng kilikili ng hubby mo... Sakin ayoko talaga kahit ano tapos nung nagtawas ayun mas ok na na wala ako maamoy😂😂😂.... Oo nga mas masarap ang kain pag may sabaw dun ko din sinasabay pag inom ng folic eh para di ko malasahan... ❤

Hi mommies! Oct. 12 EDD ko. Okay naman po. Less hilo na lately pero mapili pa rin ang lalamunan ko sa pagkain. Masakit pa rin ang boobs. Nag-spotting ako last week (after sex) pero nag-stop na after bed rest and sigeng inom ng gamot. Takot na tuloy mag-do si partner ko 🤣 Mag-2 months nang walang checkup medyo worried na ako 😓 Sana mag-clinic na si OB soon para makapagpacheck up na. Kayo po musta kayo dyan?? 😁

October 14 here ❤❤❤ first baby ko kaya excited ko ng makita at mahawakan si baby ❤ di pa ako nakakabili ng ibang gamit hehe di pa alam ang gender tyaka napakalikot na ni baby ko sa tummy super haha tyaka gutumin na ako ngayon unlike dati pero nililimit ko lang para di masyado lumaki si baby ❤ wala pong nangyaring paglilihi sakin hehe kung anong meron yun lang 😅 im 29 weeks and 3 days na ❤❤

EDD OCT 11. On my 14 weeks 2 days. So far nag ease na un breast tenderness and panga2sim ng tiyan, pagkahilo at pagkabugnutin. 1 month na din na walang check up sa ob dahil sa ECQ and sa banta ng covid19 virus. Worried ako di ko alam kung ano na kalagayan ng baby ko. Continue lng naman multivitamins ko and Anmum milk. May God bless our babies health and may He keep us all from any harm. 🙏🙏🙏

VIP Member

Wala na oks na unlike nong last week na pag na amoy or nakita ko lang yung pag kain nasusuka ako kaya bwesit na bwesit asawa ko e nag sasayang daw ako nang pagkain tas ngayun di na ako nag lilihi kain na nang kain kahit kakatapus lang kumain gutom nanaman ulit. Peru ayaw na ayaw ko sa baho nang bago.ong non di pa ako buntis gustong gusto ko ang bago ong ngayun na amoy lang o nakita nasusuka na

VIP Member

Oct 18 po, hindi na masaydo nagsusuka pag may naamoy nalang na di ko gusto. Kaso medyo pumayat kase nung mga nagdaang linggo na palagi nagsusuka. May nararamdaman narin ba kayong parang magalaw lage sa may bandang puson tapos medyo matigas minsan sa may bandang puson. Lalo pagkakatapos kumain parang lumilikot na si baby sa loob pero sa bandang puson palang. Tapos lage naiihi pag ganon

Same tau mamshie..

Ako po 12weeks na ngaun. Hindi ko alam kung naglilihi nako kasi parang andami ko gusto kainin. Hehe pero ayoko ng baboy. Ayoko ng meat nun. Parang ang boring ng tingin ko sa kanya. Pero sa iba naman okay, fish, chicken, gulay and fruits. Tapos less na din pagsusuka ko. Hindi tulad nung mga nakaraang linggo, grabe pagsusuka ko. Tagal na din walang checkup. Sana may clinic na ulet si OB.

Wala pa kong trans. V Gawa ng lockdown

Ayuuun. Hanggang ngaun, parang naglilihi padin. Kapag di nagustuhan ung kinakaen, wala na talag negatib na pagkaen. Katulad kagbi, kumaen lang ako ng fishball nung merienda tas may suka na pinagsawsawan, hndi na ako nakapagdinner nung gabi. Tas pakiramdam na nasusuka. Buti kanina umaga nakakaen kahit papano. Kopiko blanca at pandesal. Solb naman! Hehehe.

Very bad yung hindi ko naranasan sa first baby ko dito lahat binuhos hindi lang morning sickness till nyt nag susuka ako may time pa na nag ka heart burn pa ako,walang ganang kumain puro tulog lang pag naparami kain ko isusuka ko agad daig kupa yung lasing :( hate ko amoy ng garlic,sinaing at mababango, may time padin na sumusuka ako:( October 06

October 30 EDD ko .. normal lang pakiramdam ko ngayon parang di aq buntis.. minsan masakit mga binti at balakang ko lalo na pag nakatayo aq ng matagal.. nong 1st to 2nd month ko di aq makakain ng maayos panay suka ko lang pag gabi.. ngayon 26 weeks and 2 days na c baby .. nag ultrasound na din aq and baby girl.. nga lang suwi pa xa.. hoping na umikot xa

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles