Wala ang hubby

Sino po dito ang manganganak na wala ang hubby or nanganak na wala po ang hubby? Ako kasi d pa alam kung kelan ang baba ng hubby at 35 weeks na ako ngayon. Sympre gusto ko sana na anjan siya pagkapanganak ko e. Totoo po bang baka mag inarte lang tayo o c baby pag anjan c hubby?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Taas kamay ng mga mommy na seaman ang asawa! ✋ Hehe. Same here momsh! Manganganak ako October ang baba pa ng asawa ko December. Bago palang siya sumampa ng barko nakamindset na ako na wala siya sa panganganak ko. Although how I wish kasama ko siya kasi iba pa rin pag asawa natin ang aalalay satin habang nagllabor at nanjan sila paglabas na paglabas ng bata. Kaso ganun talaga ang buhay seaman/ofw. Maraming bagay ang need isacrifice para lang masuport tayo financially. Kaya natin to mga momsh! Lakasan lang natin loob natin. Buti may Vcall na ..dun nalang tayo maginarte saknila.. hehe Bawi nalang paguwi ng mga daddy.. Huggssss!

Magbasa pa