Irregular, EDD base sa ultrasound

Sino po dito ang Irregular kaya naka base sa ultrasound kung ilang weeks na siya? Di ko kasi alam last mens ko po. Yung due date niyo po ba tama? o ilang days bago nung estimated due date kayo nanganak sis?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din irreg unang bilang ko mag 14 weeks na ako kase April 2 huling mens ko kaso nung nagpacheck up kame 12 weeks and 6 days palang pala siya kaya ang sinunod ko na is yung sa ultrasound January labas ni baby😊

ako naka based lang din sa ultrasound irregular din kasi ako sa June 19 pa EDD ko pero medyo 37 weeks na siya pero sarado pa nmn daw cervix ko kaka check up ko lang kanina

ako po irregular late ko na nalaman na preggy ako. Nung nagpacheck up po kame tyka nalang po namen nalaman sa ultrasound.

ako ang due date ko oct8 pero nanganak ako sept26. usually advance ng 2 weeks or late lalo na pag first baby.

Ako sis irregular kaya 6mos. na namin nalaman

Irre din ako kaya naka base sa ultrasound ko . Pero sa last day of menstruation sure na sure ako. Nakapagcheck up nadin ako sa center sabi nila oct 10 due date ko . Cinompute ko narin through this app oct 10 din . Pero base sa ultrasoundko oct 24. Kaya nalilito din ako