Methyldopa

Sino po ang nagtake or still taking methyldopa - dorset? I'm on my 20th week just started yesterday once a day. High risk na ang katulad ko due to age ( 32yrs.old ) and first child ko pa sabi ng OB ko. Hindi pa po ako masyadong nag gagain ng weight at hindi pa din ako masyadong nagkakain. Sana malampasan namin ni baby, mailbas ko siya ng full term at ligtas. ??

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako rin naresetahan once a day ngayong ika 28weeks ko kc bigla nag shoot up ang bp ko pero 1day lng naman. Pina admit pa ako ng ob sa hospital 2days may tinurok sakin para daw sa lungs brain at bone development ni baby kc worried sya baka maexcite c baby lumabas e kulang pa sa araw. Sinunod ko nalang. Awa ng diyos nakalabas na ako sa hospital na safe ang baby ko.

Magbasa pa