FAMILY

Sino ditong mga buntis na hindi kinakamusta ng mga parents nila or kinakausap masyado? Kahit chat or tawag wala. Yung tipong need mo pang magmakaawa para lang magreply sila sa chat mo. Haysss ?. Ganito kasi ako right now. Nag lilive na kasi kami ng partner ko. Simula nalaman nilang buntis ako di na nila ako kinakausap. Yung parang namatay na ako sa buhay nila kasi nabuntis ako. Gusto kasi nila bago ako magbuntis or mag asawa makapagpatayo na kami ng bahay sa probinsya. Kaso nauna si baby keysa sa bahay. Kaya ito ngayon di nila ako kinakausap. Yung parang wala na silang anak. Ang hirap sobra. Kaya yung mga tungkol sa pagbubuntis halos lahat dito ko na lang itinatanong kasi wala akong magulang na matanungan. ????. Sorry gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ?????

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hayaan mo na yon. independent ka na.. magkakababy ka na, may kanya kanya na kaung buhay. wag ka magexpect kung alam mo naman right from the start ang ugali ng parents mo syempre kabisado mo na ugali nila na ganyan. dont stress urself out

Ako nga di ako kinakausap or never ever ako kinamusta ng mga magulang ng nakabuntis sakin, saklap lang ng mga nangyayari pero atill blessed padin kase dumating si baby😇 at ayun yung wala sila na hahanapin din nila balang araw

5y ago

Ganun na ganun din yung tatay ng anak ko, pinagdadasal kona nga lang sila sa mga kasalnan nila. INC pa naman sila.

Pakatatag ka sis.. wag pakastress se ramdam ni baby yan, magpray kalang.. isipin mo nlng kakayanin mo lahat para ke baby! sya nlng muna panghugutan mo lakas ng loob at wag ka mag isip ng kung anu ano na ikasasama ng loob mo.

VIP Member

Keep praying mah. Matatanggap din ng family mo yan. Ganyan tlaga sa una, pero pag nakita na nila ung apo nila mawawala na ung galet nila. Dasal lang lage kay Lord. God bless mah. Have a safety pregnancy ❤❤

Same tayo momshie.. Ako wala nako mga magulang mga ate ko lang kasama ko sa bahay.. Kasama ko na sila dito pero ni hindi man nila ako makumusta?? Ni wala man tinatanong sakin tungkol sa panganganak ko..

Papansinin ka din nila mommy wait mo lang. Magpray ka din po palagi para maging okay na kayo ng parents nyo. Wala naman pong parents ang makakatiis sa anak. Will pray for you too! Godbless.

VIP Member

Pray ka lang mommy, for sure pag lumabas na si baby kakausapin ka din ng family mo. Ang sad lang na may ganitong pangyayari kasi yung family natin dapat ang unang sumusuporta satin.

me👋pero yung mama ko lng mag wa one na, di ko alam kung bkt eh, pero since, ayoko ma stress at baka maka apekto kay baby , hinayaan q n lng, pero mahirap at naka2sama ng loob,

Kaya yan momy isipin mo nalang baby mo kabaliktaran ng mga parents ko lalo si papa everyday everyhour tawag sakin kung kumain nako wag lagi mgsleep kumain sa tamang oras

Magpaka tatag ka mamsh hindi ka din nila matitiis lalo na yung apo nila☺ Patunayan mo na kahit may baby na kayo kaya nyo pdin tuparin yung gusto nila.