FAMILY
Sino ditong mga buntis na hindi kinakamusta ng mga parents nila or kinakausap masyado? Kahit chat or tawag wala. Yung tipong need mo pang magmakaawa para lang magreply sila sa chat mo. Haysss ?. Ganito kasi ako right now. Nag lilive na kasi kami ng partner ko. Simula nalaman nilang buntis ako di na nila ako kinakausap. Yung parang namatay na ako sa buhay nila kasi nabuntis ako. Gusto kasi nila bago ako magbuntis or mag asawa makapagpatayo na kami ng bahay sa probinsya. Kaso nauna si baby keysa sa bahay. Kaya ito ngayon di nila ako kinakausap. Yung parang wala na silang anak. Ang hirap sobra. Kaya yung mga tungkol sa pagbubuntis halos lahat dito ko na lang itinatanong kasi wala akong magulang na matanungan. ????. Sorry gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ?????
ako ππ Like wala talaga. Pag ako naman yung kumontak, ang laging tanong agad anong kailngan moπ Tapos yung LIP ko cheater pa. Siguro swerte nalang ako na yung "in laws" ko eh suportado ako kesa sa anak nilang babaero π Depression is real pero nakaka survive through prayer. Ako naglalayas ako tas tatambay sa simbahan. Tapos pray lng or kahit tunganga lang dun. Iyak lang and maglabas ng sama ng loob. Tapos pag ok na, laban ulit. Uwi na ulit para harapin yung bagong stress ππAnd makakatulong din yung kumausap ka ng taong malapiy sayo or kahit yung mga strangers. Pramis eto yung best na ginagawa ko. Kumakausap ako ng tao. Nakakabawas ng bigat ng puso. And syempre, pray, pray and pray. Ipagpray din kita sisπ
Magbasa paIt's okay. Kesa naman kinakausap ka nga nila pero hindi naman maganda pinagsasabi. Mas okay na hindi ka na lang kausapin. Ako..ako na mismo dumidistansya sa family ko sa ngayong buntis ko. Bihira lang ako makipagchikahan. Nassttress kasi ako pag kausap ko sila. Di ko din alam baka ako lang ang masyadong sensitive. Maliit lang kasi ako magbuntis, sbhin ba naman ng mama ko baka kuting lang yan. Naku mahihirapan ka manganak baka walang tubig, puro dugo lang yan. Malnourished. Ganun. Wala sila masabi na matino. Nasstress ako, kaya di na din ako dumadalaw at di nakikipag usap pero nangangamusta nmn ako bihira nga lang. Ang mahalaga kasama ko si hubby na todo alaga samin. Wag ka pastress, enjoy natin tk
Magbasa paI feel you mamsh. Ganyan din parents ko sakin noon nung nagbuntis ako. 23 years old na ako. Pero now okay naman na kami lahat nung nanganak na ako saka love na love na nila si baby. Nakabalik na rin ako sa bahay namin simula nung nanganak ako. Pero yung mga sinabi nila sa akin noong nagbubuntis pa lang ako, until now nakatatak pa rin sa isipan ko. Ganun na siguro ako nasaktan. I know masama magtanim ng sama ng loob pero masakit talaga eh. Di ko naman bibiguin yung pangako ko sa kanilang bahay at lupa. Nauna lang akong magasawa pero tutuparin ko pa rin yun. Kaya kahit masaya sila ngayon, feeling ko di na ako buo with them. Anak ko lang bubuo sa akin ngayon. -J
Magbasa paOkay lang yan, may mga ganyan talagang eksena dahil tayong mga pilipino ay panatiko ng mga Tele drama kya ginagaya ng karamihan MG pamilya... Pahilumin mo na muna yung mga nararamdaman nila. Magbabago din yan. Time can heal ika nga.. Tapos Ikaw ang gawin mo magpatuloy ka sa buhay, libangin mo yung sarili mo sa mga bagay na nakaka-aliw, tapos buo ka ng mga circle of friends mo either sa mga kapitbahay mo, kaibigan mo na lahat dpt mapagkakatiwalaan (Quality over Quantity)
Magbasa paSis pray lang kay kausapin mo si god then eventually dimo mamamalayan na nagiging ok na pala ang lahat π Wag ka malungkot kasi si baby ganun din nararamdaman nya dahil iisa lang kayo. Isipin mo na paglabas ni baby at nakita sys ng family mo magging maayos din turing nila sayo ganyan lang yan sa una pero pag nanjan na ang bata ayan na π₯°
Magbasa paUPDATE ko lang mga sis sa post ko na ito. Sobramg okay n po kami ng family ko ngayon. Lalong lalo na kamukha ng papa ko yung baby ko. Ngayon sila na nag aalaga sa baby ko. Ni ayaw na nilang isauli sakin kasi sakanila na daw. Haha. Totoo nga talaga sabi na once makita na nila yung apo di kana nila matitiis. β€οΈ
Magbasa pagood to hear π
kaya mo yan.. ganyan din ako.. minsan naiiyak ka nalang and iniisip anong nagawa mo bang mali.. and bakit yung ibang family agad agad natatangap nila at napapatawad ung mali ng anak nila.. ang importante okay kayo ng partner mo and isipin mo may baby ka na.. sila na ang pinakaimportanteng tao sa buhay.. π
Magbasa paKahit d ako buntis d nmn ako kinakausap ng papa ko or chat or tx wala lang.nasanay na q magisa.sanayan lang yan..pag kailangan ka nila tatawag cla base on my experience lang.kaya cnanay ko ang sarili ko solohin lahat ng sama ng loob ko at problema ko.kaya ko pa nmn ππ pakatatag ka lang kaya natin to
Magbasa paNatural po yun sa magulang lalo na kung mataas expectations at pangarap nila para sayo. Araw araw mo pa din sila kamustahin or tawagan hanggang bumalik samahan ninyo although matatagalan minsan pa nga abutin ng taon bago makalimot ang magulang. In God's perfect time magkakaayos din kayo
Same here po. Parehas tayo sobrang hirap tlga gusto din ksi nila bumalik akong abroad para mapaayos ung bahay namin sa probibsya kaso nabuntis ako dito sa manila kaya sobrang galit nila kung ano2 sinasabi nila sakin na masasakit nasa knila pa nmn ung mga anak ko haistπ