...

Sino dito yung 2nd wife ng hubby nila tapos may anak sya sa una nyang partner? Panu itreat ni hubby nyo yung anak nya sa una? Kasi yung hubby ko may 2 syang anak na babae sa una. Para kasing wala syang amor sa mga bata. May anak kmi isang babae at 7months preggy ako. Lahat ng hingin ng anak namin ibinibigay nya samantalang yung anak nya sa una madalang nya bigyan minsan hindi pa. Nasa side nung girl yung 2 bata. Friend naman nya sa facebook yung 2 nyang anak pero di naman nya kinakamusta. Ako pa yung magmemessage sa mga bata kunwari ako yung papa nila. Naaawa ako kasi parang napakaunfair naman. Pagnagbabaksyon dito samin gusto nya lagi pauwiin. May ganun ba talaga? Ayoko kasi na lumaki sila na may tampo sa papa nila. Lagi ko rin naman sinasabihan si hubby pero ganun pa din. Sabi pa nya lagi kaya sya nagkaanak dun sa girl kasi dala ng talanding panahon. Ano opinyon nyo mga momsh.?

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hayaan mo asawa mo.. kasi baka magsisi ka balikan niya una niyang asawa dahil sa ginagawa mo... ramdam kita kasi may anak siya sa una tatlo and kasal sila 10yrs ng hiwalay... si babae unang nagloko may anak ng dalawa sa iba samantalang kmi 7yrs na now plng magkakababy ganun din naman si hubby ko sinasabihan ko na puntahan din anak niya pero ung ako ang kukumusta in behalf of my husband diko yan ginagawa.. kasi natatakot parin ako na baka bglang balikan kasi nga may mga anak sila at kasal pa..pero malabo nang mangyari un kasi ni wala daw sa kalingkingan ko x niya sa pag aalaga ko.. kaya gawin mo nlng best mo hayaan mo siya importante d siya nagkukulang sa inyo

Magbasa pa
3y ago

same here also. yung partner ko may unang asawa at may 2 silang anak lalaki at babae. kasal din sila. pero for almost 13 years na silang hiway kase lagi nya rin nahuhuli yung babae kung sinu sini sinasamahan kahit mag asawa na sila. hanggang sa sinabi rin nung babae sa kanya na hindi nya anak yung batang babae ngayon yung asawa nya pumunta ng abroad 2008 after nun hindi na umuwi para kamustahin mga anak 2015 lang umuwi kase namatay yung nanay nung girl pero after nun hindi na at laging dahilan sa mga anak kaya hindi umuuwi eh madami silang binabayaran na utang to the point na may income din naman ang partner ko at nasa kanya yung 2 bata hindi nya pinapabayaan. ngayon yung babae nag pakasal sa foreigner para lang magkaroon ng magandang buhay kumbaga kapit sa patalim just sharing.